ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
11889 vote/s out of 27235
44% Vote

B. Fourth at Fifth
5932 vote/s out of 27235
22% Vote

C. Daniel
2986 vote/s out of 27235
11% Vote

D. Vickie
2026 vote/s out of 27235
7% Vote

E. Joshua
4402 vote/s out of 27235
16% Vote

Total Votes: 27235

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Helen Gamboa supports Sen. Kiko Pangilinan's bid for the Vice Presidency

6/08/2009 1:33 AM

by: ABS-CBN Corporate Communications

Push This

Napakaganda at napaka-elegante ni Ms. Helen Gamboa nang dumalo siya sa thanksgiving press conference ng kanyang latest top-rating teleserye na Tayong Dalawa. Hindi maipagkakailang siya ay tita ng Megastar na si Sharon Cuneta. Ngunit kung gaanong ka close sina Helen at Sharon ay ganun din sila magkalapit pagdating sa intriga. Last year nang pumutok ang chismis na hiwalay na sina Sharon at ang asawa nitong si Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan ay agad na hiningan ng komento ng mga reporters si Helen. Pero ‘di naglaon ay namatay din ang issue at napatunayang going strong ang 13 years nang relationship ng Megastar at ng Senador. “Sanay na kami na may mga tao talagang magiimbento ng mga pangit na kwento, like nag-aaway o naghihiwalay. Hindi na namin pinapansin ang mga ‘yun,” sagot ni Helen nang makapanayam siya ng ABS-CBN.com sa nasabing thanksgiving press con.

Si Helen ay maybahay ng comedian-actor na si Tito Sotto na nagsilbi din bilang senador for 12 years. Tinanong ng ABS-CBN.com si Helen kung ano ang kanyang masasabi sa desisyon ni Sen. Kiko na tumakbo bilang Vice President sa 2010, at nagpahayag naman ang veteran actress ng kanyang suporta. “They have all my wishes of good luck. We are a family and sa pamilya dapat you support one another.” Bilang maybahay ng isang politiko, ano nga ba ang maia-advise ni Helen sa kanyang pamangkin na si Sharon kaugnay sa political plans ni Sen. Kiko? “Sharon knows how to handle herself. I know she can handle things in her life and her family very well,” matipid na sagot ni Helen. Sa kasalukuyan ay nasa US si Sharon para sa isang concert tour.

Sa ngayon ay markado si Helen sa mga manonood bilang kontrabida na si Elizabeth sa Tayong Dalawa. Maraming exciting na eksena ang dapat abangan sa mga darating na episode ng primetime teleserye. Kwento ni Helen, isang malaking hamon para sa kanya ang gampanan ang character ni Elizabeth sa Tayong Dalawa. “Mahaba pa ang tatakbuhin ng teleserye. Marami na kaming nakunan na eksena na talagang napakahirap. Talagang lahat ng mga eksenang ginagawa namin dito e memorable. Madami akong eksenang madadrama at nagbe-break down ako which is very challenging for me to do but I enjoy doing it.”

Usap-usapan ngayon kung mamamatay ba ang character ni Helen sa Tayong Dalawa. Pero maging siya mismo ay hindi alam ang tatakbuhin ng kwento ng teleserye. “Hindi. Hindi pa (laughs). Weekly lang ang natatanggap naming stories from the writers. It’s all up to them kung paano ang tatakbuhin ng kwento.”

Post A Comment
Comment: