ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Who is your favorite celebrity baby?
A. Baby Zion of Sarah and Richard
7363 vote/s out of 58698
13% Vote

B. Baby Pele of Jolina and Mark
3023 vote/s out of 58698
5% Vote

C. Baby Mela of Melai and Jason
29628 vote/s out of 58698
50% Vote

D. Baby Gavin of Cheska and Doug
18684 vote/s out of 58698
32% Vote

Total Votes: 58698

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

John Manalo, a young achiever both on and off camera

11/04/2009 10:44 AM

by: ABS-CBN Corporate Communications

Push This

Among the young male actors ng Star Magic Talent Development and Management Center, isa sa proven at tested ang talento  sa harap ng camera itong si John Manalo. Napakaraming awards at nominations na rin itong natanggap. Mapapanood muli si John sa mga upcoming movies nitong A Journey Home bilang anak ni Joem Bascon at anak naman ni Manny Pacquiao sa Wapakman at anak ni Megastar Sharon Cuneta sa Mano Po 6 na naging ina na rin niya sa pelikulang Caregiver. “Ang bait-bait po talaga ni Tita Sharon. Isang karangalan po para sa akin na makatrabaho po siya. Bale, nakaka-dalawang shooting days na po ako kasama si Tita Sharon,” masayang kwento ni John nang makausap namin ito sa isang presscon na ipinatawag ng Star Magic para sa kanilang mga artists na nag-birthday mula September at October ngayong taon.

Ayon kay John, naging maganda rin daw ang kanyang pakikipagtrabaho kay Manny Pacquiao via Wapakman. “Okay naman po si Tito Manny. Mabait din po siya at masarap din ka-trabaho. Natutuwa po ako dahil ang suwerte-suwerte ko po na malalaking artista po natin sa showbiz ang nakakatrabaho ko. Dati, pinapanood ko lang po sila tapos ngayon po ay nakakasama ko na rin po." pagkukuwento pa ni John sa ABS-CBN.com.

Katulad ng ibang binatilyo, mahilig din maglaro ng basketball, kumanta, sumayaw, mag-computer at manood ng iba't ibang pelikula si John. But priority pa din nito ang makatapos siya ng pag-aaral. “Pero siyempre po, kahit minsan po ay pagod po ako, kailangan ko pa rin pong tutukan ang pag-aaral ko. First year high school na po ako ngayon sa Marist School sa Marikina. Kapag medyo busy po talaga at nahuhuli na po ako sa mga school subjects at lessons ko, nagpapa-tutorial naman po ako para mahabol ko po ang lessons namin para pagdating po ng exams namin ay may isasagot po ako. Okay naman po school ko. Gusto ko rin naman po kasi ang pag-aartista ko kaya kahit nakakapagod, okay lang po." Proud talaga ang parents ni John sa kanya dahil sa kabi-kabilang projects nito sa showbiz ay achiever at active pa ring maituturing ang young actor pagdating sa kanyang school. Naparangalan kamakailan lang si John bilang Top Goal Achiever at Best in Math sa Marist. Miyembro din ito ng Glee Club at Dulaang Marist.

Isang swimming party kasama ang kanyang pamilya anag kanyang naging celebration nung birthday niya. Hopefully tuloy-tuloy daw ang blessings sa kanyang family at showbiz career tulad ng sa kanyang uncle na si Jericho Rosales.

The
ABS-CBN
ForumsSend us your feedback  

Post A Comment
Comment: