Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kris Aquino's new pixie cut hair style
A. Love it!
5378 vote/s out of 6597
82% Vote

B. Hate it!
1219 vote/s out of 6597
18% Vote

Total Votes: 6597

'Wako-wako' set to become the next hit on ABS-CBN Primetime Bida

2/07/2012 9:53 AM

by: Krissa Donida

Push This

020712-wakowako_main.jpgMakakasama muli ni Ai-Ai de las Alas si director Wenn Deramas sa bagong teleserye, Wako-Wako. Kasama din dito and nagbabalik-kapamilya si Vandolph.

Nang makapanayam ng Push.com.ph si Vandolph, hindi niya maitago ang saya na nabigyan siya muli ng pagkakataon ng ABS-CBN sa isa primetime show. Banggit pa nga niya, kung noon sa Home Along Da Riles, ay siya ang anak ni Mang Cosme (Dolphy) na si Baldo, ngayon ay siya na mismo ang magiging Mang Cosme sa bago nilang fantaserye.

Natanong siya ng Push kung nabanggit niya ito sa kanyang ama at sinabi ni Vandolph na sobrang natutuwa si Mang Dolphy na nagbabalik-kapamilya siya at ibinilin pa ngang galingan niya sa bagong pagkakataong binigay sa kanya ng Dos. Pinaghahandaan nga ito ni Vandolph ng husto dahil bago ang role sa kanya, isang mapagmahal na ama sa bidang si Yogo Singh (na gumanap na batang Coco Martin sa seryeng Walang Hanggan) at matinong pulis na nauunahan lamang ng takot. John and Marsha ang nais tahakin ng serye kaya naman ngayon pa lang ay pinapanood niya na ito at pinagaaralan ang kanyang karakter.

Matapos ang Guns and Roses ay balik primetime si Gladys Reyes bilang ina ni Yogo at asawa ni Vandolph sa fantaseryeng ito. Kilala siya bilang isa sa mga primera kontrabida pero bago at kakaiba ang kanyang gagampanan bilang isang mapagmahal at mapagtanggol na ina. Nang makapanayam siya ng Push inamin naman ni Gladys na, “I always wanted to do a role na tulad ng ganito.” Di ba siya nahirapan sa pag-shift from a kontrabida role? “Una sa lahat ina naman akong talaga at mas madali nga ang ganitong mga roles.” Dagdag pa niya na si Yogo ay parang anak niya na din na si Kristof kaya naman mas napadali ito.

Ang character naman na si Wako-wako ay isang wish creature na makakasama nina Maki (Yogo) at Ai (Ai-ai delas Alas) sa maraming adventures para sa kabutihan ng lahat. Makakasama din dito sina Maricar de Mesa, Malou de Guzman, Dennis Padilla, Carlos Agassi, Markki Stroem, Liezel Garcia, Eagle Riggs, DJ Durano at Franco Daza.

Comments
edward lingat
2/7/2012 5:15 PM
bakit pag c direk wenn ang director lagi nandyan c dj durano?
magjowa ba tlga sila?

Post A Comment
Comment: