ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Anong MMFF entry ang una mong papanoorin sa Christmas Day?
A. Amazing Praybeyt Benjamin
6005 vote/s out of 10759
56% Vote

B. Bonifacio: Ang Unang Pangulo
963 vote/s out of 10759
9% Vote

C. English Only Please
687 vote/s out of 10759
6% Vote

D. Feng Shui 2
1229 vote/s out of 10759
11% Vote

E. Kubot: The Aswang Chronicles 2
263 vote/s out of 10759
2% Vote

F. Magnum 357
155 vote/s out of 10759
1% Vote

G. My Big Bossing
1012 vote/s out of 10759
9% Vote

H. Shake Rattle and Roll XV
445 vote/s out of 10759
4% Vote

Total Votes: 10759

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Joey Marquez, Janice de Belen, Carmina Villaroel, & Ogie Diaz join forces for Showbiz Inside Report

1/27/2012 10:53 AM

by: Rachelle Siazon

Push This

012712-showbiz_main.jpgSa promo shoot pa lang ng Showbiz Inside Report (S.I.R.) na ginanap noong January 26, nakikita na ang magandang rapport ng mga hosts na sina Joey Marquez, Janice de Belen, Carmina Villaroel, at Ogie Diaz. Intelehente at kung minsan ay nahahaluan ng katatawanan ang kanilang mga tinatalakay na issue kaya siguradong kakapit ang mga manonood sa naiibang docu-talk na ito ng ABS-CBN simula February 4.

Sa panayam ng Push.com.ph, ibinahagi ni Joey kung ano ang kanyang expectations sa una niyang proyekto ngayong nagbabalik-Kapamilya siya. “Alam mo, siyempre, gusto ko makarinig ng iba-ibang opinyon tsaka yung talento ng tao sa pagbibigay ng payo. Kasi it’s a never-ending learning in any situation. Nandiyan ka man, nangyari man sa ’yo, pero mas maganda pala yung pinayo nila e. Gusto ko rin matuto.” Dagdag pa ni Ogie, “Kakaiba itong show na ito sa ibang talk show. Mabibigyan kami dito ng panahon para maibigay namin yung inputs namin on air, hindi lang kami basta nagbabasa ng balita.”

Parang reunion din ito para sa kanila dahil nagkataong pare-pareho silang hawak noon ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano. Gamay na nila ang isa’t isa kaya pwedeng-pwede raw silang magtuksuhan at mang-intriga sa isa’t isa ng hindi nagkakapikunan. Ani Carmina, “Kaya kami excited kasi para kaming magkakapatid. Kampante pa kami kasi alam namin magsaluhan, alam namin yung ugali ng isa’t isa, pwede kami magbiruan, para kaming pamilya talaga.

In-depth ang discussion ng iba’t ibang interesting stories sa Showbiz Inside Report, na tipong yung mga hindi pa natatalakay sa ibang news program ay hihimayin dito ng mga hosts. Mayroon ba silang kinatatakutan o limitasyon pagdating sa mga bagay na pag-uusapan nila? “Mahirap mag-set ng limitations bilang host because it would also limit the viewers’ perspective about certain issues. Hindi naman ito no holds barred, hindi naman ito bukasan ng buhay. This is more of talking about how you feel, what your thoughts are, ano pa bang pwedeng ibang gawin.

Para naman kay Joey, excited siya sa magiging impact ng Showbiz Inside Report sa mga manonood. “I think the bottomline of this show is that we’re not here to create problems but rather to give solutions.”

Comments
gwapa garcia
1/28/2012 12:22 AM
is this going to replace elive?

miriams santos
1/27/2012 8:05 PM
hmmm mkhang exciting ito, I will watch this for sure, fan ako dati ni Janice

Post A Comment
Comment: