Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kris Aquino's new pixie cut hair style
A. Love it!
2002 vote/s out of 2434
82% Vote

B. Hate it!
432 vote/s out of 2434
18% Vote

Total Votes: 2434

Empress says her next TV role is a far cry from her usual 'martir' roles

12/17/2011 12:26 AM

by: Bernie Franco

Push This

121711-empress-main.jpgExcited si Empress sa kanyang susunod na teleserye, ang Mundo Man Ay Magunaw dahil ‘di tulad sa mga nauna niyang role na laging martir at mabait ang karakter, mas matapang naman ang kanyang role ngayon. Ang Mundo Man Ay Magunaw ay ang TV adaptation ng pelikulang pinagbidahan noon nina Sheryl Cruz at Romnick Sarmienta.

Ngayon lang may teleserye na mature na talaga [ako]. Mga teleserye [ko dati] na mabait, mahirap pero ‘yun nga ‘yung twist don lumalaban siya. Sa part ko masaya ako dahil gusto ko rin itong role na ito matagal ko rin itong hinintay so ayun excited na ako,” paliwanag ni Empress sa pictorial para sa teleserye kung saan kasama niya si Ejay Falcon.

Ipinagmamalaki rin ng aktres ang mga makakasama sa proyekto na mga de-kalibreng aktres. “Anim na beses akong sinampal sa isang eksena,” natatawa niyang kuwento. “’Pag eksena na hindi mo na talaga mamalayan parang go lang ng go… go with the flow. ‘Yun din ang ipinagmamalaki namin na sobrang ang gagaling ng mga kasama namin, as in kasi ang saya-saya, andyan si Miss Eula Valdez, Miss Sylvia Sanchez, Miss Tessie Tomas kaya ‘di ko ma-explain ang aking napi-feel.”

Although meron siyang kaba, kampante si Empress dahil sa ganda raw ng istorya at husay ng mga co-actors ng kanilang soap opera. “Hindi mawawala ‘yon, ‘yung kaba. Pero kapag ganito ‘yung trabaho mo na magagaling ‘yung artista, ang ganda ng production. ‘Yung story, lahat na. Basta masaya ako na kasama sina Miss Eula, kumbaga ‘yung casting pa lang ang ganda na, what more na naumpisahan na magkasama-sama kaming lahat. Sana kung gaano kami ma ka-excited sana sobrang magandahan sila, sana suportahan nila kami.”

Gagampanan ni Empress ang karakter na si Sheryl, mabait pero palabang anak. Pumasok si Sheryl sa isang sorority na may malupit na lider (gagampanan ni Nikki Gil) na aapihin at pahihirapan siya. Subalit hindi makalaban si Sheryl dahil nagbibigay ang sorority ng scholarship. Misyon kasi ni Sheryl na makapag-ipon para mahanap ang kanyang ama na ang tanging pangarap ay mabuo ang pamilya.

Comments
Guest
12/18/2011 3:58 AM
Hi mga kapamilya! Please follow

@StarMagicABSCBN

in twitter, for more updates news of ABSCBNArtists/Shows. Thank you po.Proud to Be Kapamilya 4-ever. ? we need more followers, please heHi mga kapamilya! Please follow

@StarMagicABSCBN

in twitter, for more updates news of ABSCBNArtists/Shows. Thank you po.Proud to Be Kapamilya 4-ever. ? we need more followers, please help and support. Thanks?lp and Hi mga kapamilya! Please follow

@StarMagicABSCBN

in twitter, for more updates news

Post A Comment
Comment: