Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Sam Concepcion tama nga bang tumahimik na lang sa intriga sa kanila ni Anne Curtis?
A. Oo. Ayusin na lang personally para iwas gulo.
28429 vote/s out of 42182
67% Vote

B. Hindi. Dapat ipagtanggol niya din ang sarili niya.
13753 vote/s out of 42182
33% Vote

Total Votes: 42182

Jake Cuenca does not mind doing another gay role after his MMK stint

11/19/2011 10:52 PM

by: Bernie Franco

Push This

112011-jake-main.jpgUmani ng maraming papuri si Jake Cuenca nang gumanap siya bilang isang bakla sa kauna-unahang pagkakataon para sa episode ng Maalaala Mo Kaya noong October 15. At dahil maganda ang feedback sa kanyang role, bukas din daw uli siyang gumanap ng isang gay role. “Nag-enjoy ako nang ginawa ko ang MMK na ‘yon. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong nanood ng MMK. Ang taas ng rating at marami salamat sa lahat ng nag-tweet sa akin, lahat ng pumuri. Maraming salamat. First time kong mag-portray ng ganung role (at) kinabahan ako don. Hindi talaga ako (sanay). Salamat sa Diyos at nagawa naming mabuti ‘yung character.”

Sa nasabing episode, ginampanan ni Jake ang binabaeng hindi tanggap ng kanya ama sa kabila ng pagiging mabuting anak. Bida nga ni Jake, natutuwa siya sa pagganap ng mga off-beat roles dahil dito nasusubok ang kanyang pagiging tunay na actor. Kaya naman happy rin siya sa kanyang upcoming project, ang Lumayo Ka Man Sa Akin (Doha) kung saan makakatambal niya si Shaina Magdayao. Ang kuwento ng nasabing teleserye ay tungkol sa buhay ng mga overseas Filipino workers. “Another challenge (ito) to get out of my comfort zone, may oportunidad na gumawa ng iba naman,” ani Jake.

Samantala, mariing itinanggi ni Jake ang mga blind items na nagli-link sa kanilang dalawa ng dating leading lady sa pelikula na si Lovi Poe. May mga blind items kasing umikot na nakikitang nagtatagpo daw sila sa condo unit ni Jake. “Wala pong katotohanan ‘yon. Syempre maliit lang naman ang industriya, minsan sa events nakikita ko siya (and) we have similar friends. Magkaibigan kami that’s it,” ani Jake. Ayon pa kay Jake ginagawa lang naman nila ang kanilang trabaho at kung ma-link man sila ay normal naman ito sa industriya kung saan laging nili-link kapag nagiging love team.  

Ayon pa sa actor, single siya ngayon pero hindi raw niya palalampasin ang pagkakataon kapag dumating na ang pag-ibig sa kanyang buhay. “Hindi ko naman itatanggi ‘yon eh, kunyari andyan na sa harapan ko, kunyari nakilala ko ‘yung tao, alam kong kaya kong mahalin, pwede kong mahalin, paninindigan ko ‘yon at gagawin ko ‘yon. I won’t even stop myself.”

Post A Comment
Comment: