Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kris Aquino's new pixie cut hair style
A. Love it!
5573 vote/s out of 6831
82% Vote

B. Hate it!
1258 vote/s out of 6831
18% Vote

Total Votes: 6831

RIPPLES: Kim Chiu magshu-shooting ng Binondo Girl sa China

5/13/2011 12:00 AM

by: Eric John Salut

Push This

051311-binondogirl.jpg

PERSONAL na pinakiusapan ni Kris Aquino si Angelica Panganiban para mai-cast ito sa pelikula ng TV host-actress kasama si Dingdong Dantes. Yes, tuloy na ang movie nina Kris at Dingdong under co-production ng CineManila at Star Cinema. Posibleng maging official entry ito sa Metro Manila Film Festival sa December.

Kinumpirma ni Angelica na kinausap siya ni Kris.

"Siyempre, Madam yan, no! Oo naman,"sabi ni Angelica.

Kailangang kausapin ni Kris si Star Cinema boss Malou Santos dahil exclusive ang contract ni Angelica dito.
***

LEFT and right ang tinatanggap na papuri ni Jake Cuenca dahil sa box-office and critical success ng In The Name Of Love. Lahat ay nagsasabing mahusay ang ipinakitang performance ni Jake sa movie at hindi nagpatalo sa dalawa pang bida na sina Aga Muhlach at Angel Locsin.

May nagbiro kay Jake na dahil sa sunud-sunod niyang blessings ay baka yumabang siya.

"Kilala nyo naman ako, Kuya EJ. Ganito lang ako pero hindi naman ako mayabang. All the more now na magiging grounded ako. Ayokong mawala ang blessings na ibinibigay ni Lord." sabi ni Jake.

Nakatakda nang simulan ni Jake ang isang teleseryeng pagbibidahan nila ni Shaina Magdayao na isu-shoot abroad.
***
HANDANG-handa na ang production team ng Binondo Girl na simulan ang serye. Ito ang teleseryeng pagbibidahan ni Kim Chiu. Ayon kay Malu Sevilla, successful ang ocular and location hunting nila sa China. Third week of April ay magsisimula na silang mag-shoot.

"We will shoot few Manila scenes muna before proceeding to China," kuwento ni Direk Malu.

Kahit si Kim ay excited nang magsimula. "Hinahanap na ng katawan ko ang mag-taping,"

Ang isa sa ipinagpapasalamat ni Kim ay ang experience makakatrabaho niya ang mahuhusay na aktor at aktres. Kasama sa Binondo Girl sina Ai Ai delas Alas, Cherie Pie Picache, Glydel Mercado at Gina Pareno. Tatlo ang leading men ni Kim dito Jolo Revilla, Xian Lim at Matteo Guidicelli.

Ang Binondo Girl ay ang pagbabalik ni Kim sa primetime teleserye.

Comments
Gloria Tadeja
7/24/2011 9:36 PM
YESSSSSSS ang tagal na naming inaantay yan ABS pkibilisan naman oh

Bonnavie Paylon
6/5/2011 9:52 PM
congratz 4 d new teleserye of kim chui i hope its another #1 that block primetime of abscbn.

Bonnavie Paylon
6/5/2011 9:52 PM
congratz 4 d new teleserye of kim chui i hope its another #1 that block primetime of abscbn.

GreenRose snow
5/19/2011 9:32 AM
go ng go lang kim..forget about gerald na...he's not into you naman..he's soooo mayabang pa. sana magre-rate ang binondo girl.

bernie1989 saledo
5/17/2011 10:04 AM
sana si gerald anderson na lang ang kanyang leading man kc mas bagay silang dalawa
at saka galing nilang umarteng dalawa.kimerald forever and ever

bernie1989 saledo
5/17/2011 10:04 AM
sana si gerald anderson na lang ang kanyang leading man kc mas bagay silang dalawa
at saka galing nilang umarteng dalawa.kimerald forever and ever

ianne Querubin
5/16/2011 8:13 PM
kaka-excite na mapamuod uli si kim ..

sana malapit nang ipalabas ang binondo girl .. :)

Analyn Sanders
5/16/2011 2:30 PM
I'm so proud of Jake Cuenca. More projects to come!

bkosx phink
5/16/2011 1:17 PM
i hope kim and gerald is magkabalikan na .. idol ko sila ever

bkosx phink
5/16/2011 1:14 PM
congrats kay kim chiu

Page: 1 2
Post A Comment
Comment: