ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Who is your favorite celebrity baby?
A. Baby Zion of Sarah and Richard
7087 vote/s out of 56938
12% Vote

B. Baby Pele of Jolina and Mark
2935 vote/s out of 56938
5% Vote

C. Baby Mela of Melai and Jason
28756 vote/s out of 56938
51% Vote

D. Baby Gavin of Cheska and Doug
18160 vote/s out of 56938
32% Vote

Total Votes: 56938

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Taguig RTC junks TPO request of Deniece Cornejo against Vhong Navarro

2/15/2014 2:58 AM

by: Cristina Malonzo

Push This

Nagbigay ng update si Ina Reformina sa TV Patrol tungkol sa kasong kinasasangkutan nina Vhong Navarro, Deniece Cornejo, Cedric Lee at mga kasama nito.

021514-deniece_main.jpgIbinasura diumano ng Taguig RTC ang hiling na Temporary Protection Order ni Cornejo na “naglalayong magbawal kay Navarro na lumapit” sa kanya dahil wala raw basehan ang hiling nito.

Tungkol naman sa mga CCTV footages na lumutang noong February 13, sinabi ni DOJ secretary Leila De Lima na normal lang daw na magdagdag ng bagong ebidensiya ang NBI. “Kasi we’re targeting, of course, successful prosecution, conviction, which is guilt beyond reasonable doubt.”

Tumanggi rin magbigay ng komento ang abogado ni Lee at Cornejo tungkol sa bagong ebidensiya dahil hindi pa raw nila ito napag-uusapan ng kanyang mga kliyente.

Natuloy na rin nung February 14 ang preliminary investigation sa DOJ at tinanggap na ng kampo ni Lee at Cornejo ang mga bagong ebidensiya ng “NBI kabilang na ang mga CD ng condo CCTV footages.”

May hearing muli sa February 21 sa kasong isinampa ni Navarro at isinara na rin ng DOJ ang preliminary investigation para sa rape complaint ni Cornejo. Sinabi din ng kampo ni Navarro na hindi na sila sumagot sa reklamo ng rape ni Cornejo dahil “sapat na ang mga ebidensiya laban ay Lee at Cornejo para durugin ang rape complaint.”

Post A Comment
Comment: