Nikka Martinez, gustong magpa-train kay Jennylyn Mercado
BY PUSH TEAM
2/14/2018 5:48 PM
Nikka Martinez, gustong magpa-train kay Jennylyn Mercado


Photo credit: @nikkamgarcia (R)/ @mercadojenny (L)

 

Isa si Jennylyn Mercado ngayon sa mga modern moms na napapanatili ang kanilang fit na katawan matapos manganak. Isa sa mga na-inspire dito ay si Nikka Martinez na asawa ni Patrick Garcia. 

 

Happy Sunday Everyone!😊❤️

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on


 
Sa isang Instagram post ni Jennylyn kung saan nakasuot siya ng bathing suit, nagkomento si Nikka at sinabing gusto na rin niyang ma-train ni Jennylyn. Kapapanganak lamang ni Nikka sa pangatlong anak nila ni Patrick.

(Screenshot from Fashion Pulis)

Maraming netizens ang natuwa sa relasyon ng dalawa. Si Patrick ang ama ng anak ni Jennylyn na si Alex Jazz.