• Home
  • Fresh Scoops
  • Sofia Andres sinabing nagkaayos na si Diego Loyzaga at ama nitong si Cesar Montano
Sofia Andres sinabing nagkaayos na si Diego Loyzaga at ama nitong si Cesar Montano
Sinabi ng young star na masaya siya para sa ka-love team dahil sa pagkakaunawaan na ni Diego at ng kanyang ama.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

1/8/2018 12:55 AM
Sofia Andres sinabing nagkaayos na si Diego Loyzaga at ama nitong si Cesar Montano


Photos credit to the owners


Matipid at tila ayaw nang pag-usapan pa ng Pusong Ligaw star na si Sofia Andres ang bagong isyu na kinasangkutan kamakailan ng kanyang ka-love team na si Diego Loyzaga.

Ito ay tungkol sa naglabasan na nude photos ng aktor habang ito ay nasa bakasyon sa Sweden kung saan kasama ng binata noon ang kanyang ina na si Theresa Loyzaga.

READ: Diego Loyzaga speaks up on viral nude video

"I don't know about that, Kasi hindi ako masyadong ma social media ngayon so hindi ko nakita," matipid na pahayag ni Sofia.

"Siyempre nagulat ako, pero hindi ko na siya tini-tease pa about that or sitahin siya kasi malaki na siya alam na niya ang tama at mali," saad pa nito.

Napaligiran man ng negatibong isyu ngayon si Diego, masaya naman daw si Sofia para sa naging pagkakaayos ni Diego at ng ama nito na si Cesar Monatano.

Matatandaan na naging usap-usapan din noon social media ang mga naging pahayag ni Diego sa kanyang Instagram laban kay Cesar dahil sa pagkukulang umano nito bilang ama.

"I'm so happy, kasi based noon sa mga kuwento niya na mayroon nga silang hindi pagkakaintindihan. But, I'm really happy na nagkaayos na sila based nga sa naging kuwento niya siyempre iba pa din yung okay ka sa magulang mo eh, kumpleto," ani pa ni Sofia.

Sa kabilang banda, walang nagbago sa pagtitinginan nila ng binata matapos ang mga pinagdaanan na ito ni Diego.

"Kasi alam ko po pinagdadanan niya e. Hindi ko siya pwedeng i-judge na, na-off ako sa kanya. Sa amin dalawa kasi pinagsasabihan ko siya, pinagsasabihan niya din ako, so walang judgement po," pahayag pa ni Sofia .

Samanatala, kinompirma din ni Sofia ang kanyang pagiging bahagi ng upcoming kapamilya fantaserye na Bagani kung saan makakasama niya si Liza Soberano at Enrique Gil.

"This year I'll be having Bagani with Liza, Enrique, Makisig and Mateo and I'm excited."