• Home
  • Fresh Scoops
  • Michelle Gumabao, Vickie Rushton kabilang sa aspiring Binibining Pilipinas 2018 candidates
Michelle Gumabao, Vickie Rushton kabilang sa aspiring Binibining Pilipinas 2018 candidates
Huling araw ng submission ng application para sa prestihiyosong beauty pageant noong January 7.
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

1/8/2018 12:27 AM
Michelle Gumabao, Vickie Rushton kabilang sa aspiring Binibining Pilipinas 2018 candidates
Photos credit to the owners


Sa pagtatapos ng huling araw ng submission ng application para sa mga aspiring candidates  ng Binibining Pilipinas 2018, mainit nang inaabangan ngayon ng mga pageant fans ang mga bagong kandidata na posibleng isasabak sa prestihiyosong beauty pageants sa ibang bansa.

Kanya-kanyang pakulo na din bilang paghahanda ang mga kilalang pageant camps sa bansa ang Aces & Queens ni Jonas Gaffud at Kagandahang Flores naman ni Rodgil Flores.

 

Labis din ang pananabik ng mga pagent fans para sa mga showbiz personalities na matunog ang pagsali sa Binibining Pilipinas.

Isa na dito si Vickie Rushton na nakilala bilang girlfriend ng aktor na si Jason Abalos at isa sa mga kalahok noon sa Pinoy Big Brother.

 

#starmagicball2017 ♥️

A post shared by Vickie Marie Rushton (@vimrushton) on

Hindi ito ang unang beses na sumali si Vickie sa isang national pagent. Sa katunayan kinoronahan si Vickie noong 2011 bilang Mutya ng Pilipinas.

Bukod kay Vickie, isa din sa inaabangan ngayon ang kilalang volleyball player na si Michelle Gumabao, na nagpasa din umano ng application sa Binibining Pilipinas.

Sa taas na 5'10, bahagi ngayon si Michelle ng isa sa mga kilalang pageant camps kung saan siya nagte-training.