• Home
  • Fresh Scoops
  • Did Judy Ann Santos and Angelica Panganiban ever fall in love with a gay man?
Did Judy Ann Santos and Angelica Panganiban ever fall in love with a gay man?
BY PUSH TEAM
1/10/2018 8:19 AM
Did Judy Ann Santos and Angelica Panganiban ever fall in love with a gay man?

 

Sa tema ng bagong pelikula nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban na Ang Dalawang Mrs. Reyes, hindi mapigilang tanungin kung minsan na rin silang nagkagusto sa isang gay person. Napatawa nila ang press at kalaunan ay sinagot na ito ng seryoso.

"Makakatagpo ka ng isang tao, bading man iyan o lalaki, na 'yung level ng pagmamahal niya sa 'yo, hindi mo na iisipin kung ano ang gender niya, e, kasi masyado ka niyang mahal, masyado ka niyang inaalagaan. Iyon lang naman ang pinaka-importante, ang may respeto,” paliwanag ni Juday sa ABS-CBN News at iba pang entertainment press na siya namang sinang-ayunan ni Angelica.

Sa kanilang pelikula, ang kanilang mga asawa ay na-in love sa isa’t isa at nalaman din nila ito kalaunan.