• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai Delas Alas, nagbahagi ng detalye sa nalalapit na kasal kay Gerald Sibayan
Ai-Ai Delas Alas, nagbahagi ng detalye sa nalalapit na kasal kay Gerald Sibayan
Ayon kay Ai-Ai, 300 ang nasa kanilang guest list at ipinasilip niya ang listahan ng kanyang entourage.
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

9/21/2017 11:54 PM
Ai-Ai Delas Alas, nagbahagi ng detalye sa nalalapit na kasal kay Gerald Sibayan
Photo credits to @msaiaidelasalas IG

 

Sa interbyu ng PUSH kay Ai-Ai delas Alas sa pocket press con para sa pelikula niyang Bes and the Beshies ay nakiusap ang comedy actress na kung maaari ay huwag na naming pangalanan ang simbahang pagdadausan ng kasal nila ng fiancé na si Gerald Sibayan on December 12.

“Kasi siyempre, baka ang dami-daming tao don, ‘di ba? Eh, wala namang security-security, wala pa naman akong kinukuha. Pero sabi nila kumuha daw ako kasi ang dami-daming artistang kasama,” kuwento ng Comedy Queen.

Ayon pa kay Ai-Ai, 300 ang nasa kanilang guest list at siyempre, bawal daw ang gatecrasher.

Ipinasilip din sa amin ni Ai-Ai ang bubuo ng entourage ng kanilang kasal mula sa Principal Sponsors, Maid of Honor, Matron of Honor, Best Man, Grooms Men, Brides Maid at Secondary Sponsors

“Sa mga artista, Matron of Honor si Mega (Sharon Cuneta). Tapos si Bayani Agbayani, Ogie Alcasid at si Ate Regine (Velasquez) andon din.

“Si Rufa Mae (Quinto), saka si Jose (Manalo). Si Pops Fernandez saka si Papa P (Piolo Pascual). Yes, abay ko si Papa P.

“Kasama din sina Randy Santiago at asawa niya. Gerald Napoles at Valeen (Montenegro). Si Eugene Domingo, si Barbie (Forteza). Sila ang mga Brides Maids at Grooms Men.”

Base sa rough draft ng invitation ni Ai-Ai, ang anak na si Sancho (delas Alas) at si Alden Richards ang kanilang Best Men.

Ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna sa candle at sina Dingdong Dantes at Marian Rivera naman sa veil.

Kabilang naman sa principal sponsors (ninong at ninang) ng Sibayan-Delas Alas nuptials ay sina Boy Abunda, Cory Vidanes, Willie Revillame, Chavit Singson, Antonio Tuviera, Cong. Vilma Santos, Lily Monteverde, at Lolit Solis, among others.

Sa Europe piniling mag-honeymoon nina Ai-Ai at Gerald.

Ang motif ng wedding is colorful or fiesta.

Dalawang gown ang isusuot ni Ai-Ai -- gawa nina Frederick Peralta and Maxi Cinco.

“Ang magkakasal talaga sa akin ay si Bishop Tobias. Ang magmi-misa si Bishop Onchoco kasi diocese niya yung simbahan na pagkakasalan namin. Ang homily ko yung best friend kong pari,” huling kuwento ni Ai-Ai sa PUSH.