Why Toni Gonzaga wants sister Alex to quit showbiz
Alex Gonzaga, inaming gusto ng ate Toni Gonzaga na mag-quit siya sa showbiz.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

9/13/2017 4:30 PM
Why Toni Gonzaga wants sister Alex to quit showbiz

 

Tila naka-move on na sa pinagdaanang kontrobersya si Alex Gonzaga nang nakapanayam ito ng PUSH sa set ng upcoming kapamilya show na I Can See Your Voice kung saan isa siya sa mga tumatayong Sing-Vestigator.

Dito ipinaliwanag ni Alex ang kanyang saloobin sa pinagusapang biruan nila ng kapwa kapamilya host na si Luis Manzano sa katatapos lang na Star Awards for Movies ng PMPC.

Read: Alex Gonzaga’s joke about Luis Manzano turns controversial

"Nag-move on na ako kasi I really meant no harm. Kami ni Kuya Luis Manzano ‘pag nagkikita talaga kami parang yung pinakamasasamang maiisip mo, yun ang parang affections namin sa isa't isa. Siguro nung nakita ko siya nawala lang ako sa lugar at nakalimutan ko it was an award show," paliwanag ni Alex.

Kuwento pa nito, malaki ang respeto niya sa pamunuan ng PMPC na ilang beses na siya nakakasama bilang isa sa mga tumatayong host.

"I apologized right away sa ating mga press people. I really love PMPC (Philippine Movie Press Club) kasi ilang beses nadin naman na akong nakapag-host. Nanalo na din naman ako ng award and even my sister [Toni Gonzaga] syempre na-offend sila doon sa nasabi ko."

Naging kontrobersyal man ang biruan nina Alex at Luis, pinasalamatan pa din ni Alex ang PMPC sa agaran na pagtanggap nito ng kanyang apology sa pangyayari.

"Thankful ako kasi naintindihan ako ng press and hindi na siya ganung lumaki pa. Kasi alam ng iba na biruan talaga namin yun and I'm so happy also kasi Kuya Luis was there to help me kasi siya din ang nag-explain sa mga press na it was really a joke and I really meant no harm," ani pa ni Alex.

Dahil sa pangyayari, inamin ni Alex na pinag-quit na umano siya ng kanyang ate Toni sa showbiz.

"Ang ate ko may point siya na mag-quit na daw ako sa showbiz. Ganun level. Kasi bakit daw ganun yung mga ano ko (sinasabi ko). Pero sa akin naman, I'll just charge it to experience na minsan be careful. Pero nangyari na talaga," pahayag ni Alex.