Luis Manzano defends John Lloyd Cruz on viral video issue
Luis Manzano says he has faith in John Lloyd Cruz’s decisions.
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

9/13/2017 9:45 AM
Luis Manzano defends John Lloyd Cruz on viral video issue

 

Sa taping ni Luis Manzano ng kanyang bagong programang I Can See Your Voice sa ABS-CBN ay hindi naiwasang hingin ng ilang entertainment press ang reaksyon niya sa viral video ni John Lloyd Cruz. Si Luis at John Lloyd ay magkaibigan at nagkasama pa noon sa pelikulang In My Life na pinagbibidahan ni Vilma Santos.

Ayon sa actor-TV host, wala siyang nakikitang masama sa ginawa ni John Lloyd sa nag-viral na video kung saan kasama ng aktor si Ellen Adarna habang nagbabakasyon sila sa Santa Fe, Cebu.

Aniya, “Personally, you know, I would rather na hindi lumabas (yung video). Pero the point is buhay niya ‘yun.

“Ano’ng ginagawa niyang masama? Totoo naman. Ano ang ginagawa niyang masama? Wala naman. He was enjoying himself. Nakikita ba nating may ginagawa siyang droga, ganyan-ganyan?” pagdepensa ni Luis kay Lloydy.

Eh, how about don sa pagdi-dirty finger ni John Lloyd? Ano ang masasabi niya do’n?

“That, I would understand. Kaya nga siguro, that’s why he apologized. Siguro, Lloydy also apologized na he has followers especially mga bata na it may seem like a bad example. I understand.

“Pero aminin n’yo naman, ano ba ‘yung sobrang sama na ginawa ni Lloydie? ‘Yung bad finger, ano’ng alam n’yong ginagawa ng ibang artistang mas masama pa, di ba?” balik-tanong niya.

Patuloy pa ni Luis, “I’m not justifying, don’t get me wrong. Sabi ko, he will always have his fans and his followers na looking up to him. Nagkataon kasi, he has this image na John Lloyd, si Popoy (karakter niya sa One More Chance), very wholesome, sila ni Bea (Alonzo), sila ni Sarah (Geronimo), so I understand. May Home Sweetie Home pa.

“And I understand the sentiments of some people. Pero at the end of the day, ano ba ang ginawang masama talaga ni John Lloyd Cruz? ‘Yung iba namang tao, I understand.

“Nakikita ko ‘yung ibang comments, eh. Some are truly concerned, and those people, we should appreciate. And there are some naman na gusto lang sumakay sa issue,” reaksyon pa ni Luis.

Nakausap na ba niya si John Lloyd about the issue?

“Si Lloydy kasi, introvert yang si Lloydy, eh. He’s one of those people na I have faith in his decisions. I have faith kung paano niya i-handle ang buhay niya, ‘yung career niya. So, ayoko nang makialam pa. Because I’m sure, ang dami nang nag-i-input sa kanya.

“So, kumbaga, it’s more of I trust Lloydy. Naghalikan nga kami (sa In My Life), di ko pa ba pagkakatiwalaan?” pabirong sagot ng TV host.

Sa palagay ba niya ay makakaapekto sa career ni JLC ang lumabas na mga larawan at videos?

“Hindi. Because I think na in such a simple video cannot define John Lloyd as a man and as an actor. ‘Yung iba naman, sumasakay lang to feel better about themselves,” pahayag ulit ni Luis.

Samantala, mapapanood ang I Can See Your Voice every Saturday and Sunday at 9:30 p.m. starting on September 16.

Bawat episode, isang guest star ang makikipaghulaan kung sino sa anim na secret “songers” ang totong SEE-nger at sino naman ang SEE-ntunado. Magsisilbi namang SING-vestigators ng show sina Angeline Quinto, Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Wacky Kiray, and Andrew E.