• Home
  • Fresh Scoops
  • Ian Veneracion, binibigay ang lahat ng pera niya sa kanyang asawa
Ian Veneracion, binibigay ang lahat ng pera niya sa kanyang asawa
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

9/11/2017 3:16 AM
Ian Veneracion, binibigay ang lahat ng pera niya sa kanyang asawa
Photo credits to ianveneracion1 IG

 

Isa si Ian Veneracion sa maituturing na ideal husband sa showbiz industry. Ikinuwento niya sa PUSH kung saan napupunta ang kinikita niya at kung sino ang nagma-manage ng kanyang finances.

Ang pag-aartista ang naging bread and butter ni Ian, pero nag-iba raw ito nung nag-asawa na siya.

“Nung mag-asawa na kami ng wife ko, nagtayo kami ng business and that has been our bread and butter eversince.

“Hindi ako ang businessman, it’s her gig. For example, yung income from showbiz, kasi kung hindi ko yan paiikutin, wala. Parang baldeng butas yan, eh, ang showbiz. Kasi di ba, minsan long periods tayong walang trabaho, yung ganu’n.

“Ako, I’ve always wanted na whatever income na I have in showbiz ilalagay ko sa negosyo,” kuwento ng A Love To Last lead actor.

Engineer ang wife ni Ian na gumagawa ng constructions for water line and sewer line.

Aniya, “Whatever I have, my money is her money, ini-invest ko don. Diretso kaagad sa kanya.”

Hirit pa ni Ian, “Kaya wala akong budget pang-kabit (mistress), ganyan. Wala, walang budget sa ganun. Sa akin, gusto ko she manages my finances talaga.

“Tapos ako, nagtatanong sa kanya, kunyari may gusto akong bilhin na gitara o motor or whatever it is, tinatanong ko sa kanya, ‘Can I afford this?’ Sasabihin niya, ‘Puwede naman.’

“O kaya sasabihin niya, “In two months you can afford that.’ I’m really happy that she manages that part because she’s really good at it,” sabi ulit ni Ian.

Humihingi din lang daw siya ng allowance sa kanyang wife. “Hindi kasi ako nagpupunta sa bangko. Ayoko ng nag-i-ATM. Tamad akong mag-ATM, eh. Magpa-park ka, magwi-withdraw ka tapos kailangan mo pang makipag-picture, really, honestly.

“Di ba there’s a time for everything and usually withdrawing is not a time for picture taking. I enjoy that pag may mga okasyon na ganyan – mall show, press con – there’s a time for everything,” natatawa niyang kuwento.

Hindi rin daw siya tinatanong ng misis kung para saan ang perang hinihingi niya kapag kailangan niya ng panggastos.

“She doesn’t even ask what it’s for? She doesn’t ask, ‘Para saan ito?’ Walang ganun,” masayang kuwento sa PUSH ni Ian.