Ellen Adarna reacts on viral getaway with John Lloyd Cruz
BY JOAN LEARY
9/11/2017 6:50 PM
Ellen Adarna reacts on viral getaway with John Lloyd Cruz
Photos credit: @johnlloydcruztm/ maria.elena.adarna IG

 

Naging viral kamakailan ang pagsasama ng Home Sweetie Home stars na sina Ellen Adarna, John Lloyd Cruz at ilan nilang kaibigan sa Bantayan Island, Cebu.

Makikita sa mga kumalat na videos na close ang dalawa at naging usap-usapan ang pagsasaya ng aktor na tila nakainom daw.

Ipinagtanggol naman sila ng radio disc jockey na si Rico Robles sa social media at sinabing ‘deserve’ nila ang bakasyon na iyon matapos ang kanilang mga trabaho.

“For those asking about this.. these people work hard, they had time off, they all took a vacation, had fun and had a few [beer emoji],” ani Rico.

Sumagot naman si Ellen at sinabing, “Word. Hindi naman kami nag yoga retreat lol.”

Sa isang Instagram post, humingi naman ng paumanhin si John Lloyd.

Read: John Lloyd Cruz: 'I do apologize to the little boys & girls'