• Home
  • Fresh Scoops
  • JoshLia, MayWard, KissMarc, JulianElla handang-handa magpakilig ng kanilang mga fans
JoshLia, MayWard, KissMarc, JulianElla handang-handa magpakilig ng kanilang mga fans
Kilalanin ang mga bagong showbiz love teams na magbibigay kilig ngayong 2017.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

9/10/2017 11:34 AM
JoshLia, MayWard, KissMarc, JulianElla handang-handa magpakilig ng kanilang mga fans


 

Ngayong 2017, apat sa malalaking love team ang sumabak at sasabak sa pelikula gaya na lamang ng JoshLia tandem nina Joshua Garcia at Julia Barretto na naunang nabuo sa 2016 Metro Manila Film Festival movie na Vince and Kath and James.

Isa ang Love You To The Stars and Back ng Star Cinema sa mga patuloy na pinipilahan ng mga manunuod sa mga movie theaters.

 

Their worlds will collide... 💚 #LoveYouToTheStarsAndBack #LYSB 👽🌱

A post shared by STAR Cinema (@starcinema) on

Bukod sa JoshLia, isa din sa mga tinitilian na loveteam ngayong 2017 ay ang JulianElla tandem nina Julian Trono at Ella Cruz sa kanilang unang pelikula na FanGirl FanBoy ng Viva Films.

Nakilala man bilang mga millennial dance royalties, hindi din magpapahuli ang JulianElla tandem sa pagbibigay kilig sa kanilang pelikula.

Two in one kilig naman ang handog ng Star Cinema para sa first movie ng MayWard tandem na sina Maymay Entrata at Edward Barber. Makakasama nila ang KissMarc tandem nina Kisses Delavin at Marco Gallo sa Loving In Tandem.

Nakilala at nabuo ang dalawang love team sa Pinoy Big Brother Lucky season seven edition.

 

Saranghae from #MayWard 💖 #LovingInTandem #LovingInTandemBlogCon

A post shared by STAR Cinema (@starcinema) on

 

 

#KissMarc ❤️ #LovingInTandem #LovingInTandemBlogCon

A post shared by STAR Cinema (@starcinema) on

Sa September 13 na ipalalabas ang Loving In Tandem.