LOOK: Moi Bien patches things up with Vice Ganda
BY JOAN LEARY
8/9/2017 9:50 AM
LOOK: Moi Bien patches things up with Vice Ganda

 

Gumaan naman ang kalooban ng assistant-turned-actress na si Moi Bien nang maayos na niya ang tampuhan nila ng komedyanteng si Vice Ganda. Sa isang Instagram post, ibinahagi niya kung paano sila nagkaayos at kung bakit naisip din niyang mag-sorry na sa kanya.

“Alam ko pag galit ang isang tao kailangan mong maghintay para maghilom ang sugat at may tamang panahon para sa mga bagay bagay, ang salitang SORRY ay mahirap sabihin lalo na pag mataas ang pride mo, pero SORRY din at pagpakumbaba ang sagot sa lahat ng problema ng bayan.. huh? ano daw? Hehe,” kwento ni Moi.

Nag-react din si Piolo Pascual sa post at sinabing “ang sakit sa batok” ng post niya.