• Home
  • Fresh Scoops
  • Juliana Parizcova Segovia on her winning answers on Miss Q and A: ‘Lahat yun may hugot’
Juliana Parizcova Segovia on her winning answers on Miss Q and A: ‘Lahat yun may hugot’
Juliana Parizcova Segovia says she wants to fulfill her mom’s dream of owning a house.
BY CRISTINA MALONZO
8/9/2017 10:11 AM
Juliana Parizcova Segovia on her winning answers on Miss Q and A: ‘Lahat yun may hugot’

 

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Miss Q and A Hall of Famer Juliana Parizcova Segovia na ang mga patok na sagot niya sa Miss Q and A ay, “lahat yun may hugot. So nagkakataon lang siguro din na ang binabato sa akin naranasan ko lahat.”

Dating call center agent si Juliana at “malaking puntos po yun sa mga barangayan na contest…. Kasi pag narinig nila na call center agent, iniisip nila ay matalino yan, inglesero.”

Ginamit din diumano niya noon ang phone name na Anne Curtis-Smith kung kaya naging “sup call” ang isang tawag sa kanya.

Pangarap ni Juliana na mabigyan ng bahay ang kanyang nanay na nagtrabaho ng 24 years sa Hong Kong at ngayon ay nasa Pilipinas na ng apat na taon.