• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro, isiniwalat ang dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy ang kasal sa non-showbiz girlfriend
Vhong Navarro, isiniwalat ang dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy ang kasal sa non-showbiz girlfriend
Vhong Navarro amindaong gusto na niyang magpakasal.
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

8/6/2017 10:32 AM
Vhong Navarro, isiniwalat ang dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy ang kasal sa non-showbiz girlfriend

 

Hanggang ngayon ay wala pa ring masabing petsa ang komedyante at It’s Showtime host na si Vhong Navarro kung kailan talaga sila magpapakasal ng kanyang non-showbiz girlfriend.

“Matagal na kami at gusto ko na siya na talaga yung makakasama ko habang buhay pero wala pa, eh. Hindi pa talagay matuluy-tuloy,” simulang pahayag ni Vhong sa PUSH during our interview sa presscon ng latest movie niyang Woke Up Like This sa Regal Entertainment kasama si Lovi Poe.

Ayon pa sa aktor-TV host, isa rin sa dahilan ng pagkaka-delay ng pagpapakasal niya ay ang mga kasong kinakaharap niya ngayon against Cedric Lee and company na nagsimula pa noong 2014.

“Honestly, yun talaga ang rason kung bakit medyo naaantala nang naaantala,” pag-amin niya.

Pero aniya, umaasa siya na maaayos din ang lahat at matutuloy ang kasal nila ng kasintahan.

“Si, God, eh, na kay God lahat. Siya na ang bahala. So, parang inaano ko na lang kung talagang kasama ’to sa daloy ng buhay ko—itong mga pagsubok na ganito. Dapat matanggap natin ’yan.

“Kumbaga, hindi naman pwedeng huminto ’yung isang nag-aantay sa akin at ito nga ’yung girlfriend ko, in the future,” patuloy niyang pahayag.

Nagpahiwatig din si Vhong na posibleng hindi na niya hintayin pang matapos ang mga kasong kinakaharap niya at baka raw isang araw ay ikasal na rin sila.

“Kumbaga, nagkaka-edad ka na, hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin, di ba? Gusto ko, hangga’t nandiyan siya, masigla pa kami.”

Nitong July ay naghain ulit sa kanya ng panibagong rape complaint si Deniece Cornejo kaugnay pa rin ng insidente noong 2014.

Matatandaan ding ang unang dalawang rape case na isinampa ni Deniece kay Vhong ay parehong na-dismiss.

“Ako naman kasi, lahat ito, sinabi ko nang totoo. Wala akong itinago. Kung ano ang naging kamalian konoon, nambabae ako, sinabi ko naman ’yun.

“Pero wala akong inagrabiyadong tao. ’Yun lang, hanggang doon na lang muna ako.

 “Basta ako, naniniwala ako sa Panginoon, na alam ng Panginoon kung ano ang nangyari at hindi ako nagsinungaling,” pahayag pa ni Vhong.

Samantala, lubos na ipinagpapasalamat lang ni Vhong ang pagiging very understanding ng kanyang girlfriend sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan niya.

“Buti na nga lang ganu’n siya. Eh, kung sa iba-ibang babae yan tiyak sinukuan na ako, di ba?” sambit niya.

“Pagdating naman sa kasal, yung girlfriend ko kasi, ayaw niya nga ng sorpresa talaga. Ayaw niya ng masyadong planado,” hirit pa ni Vhong.

Sa pelikulang Woke Up Like This ay ginagampanan ni Vhong ang papel ng isang astig na basketball player na biglang nasira ang pangarap niya nang magising siya isang araw na babae na siya.

Si Lovi naman na gumaganap bilang isang maganda at seksing modelo ay nagising din nasa katawan na siya ng isang  lalaki at nasa bahay ng isang pamilyang hindi niya kilala.

Ipapalabas na sa August 23 ang pelikula na idinirek ni Joel Ferrer.