• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariel De Leon on Mocha Uson: ‘She also has the right to her own opinion’
Mariel De Leon on Mocha Uson: ‘She also has the right to her own opinion’
Mariel De Leon, sanay na daw sa bashers dahil sa kanyang pagiging outspoken.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

8/25/2017 9:51 AM
Mariel De Leon on Mocha Uson: ‘She also has the right to her own opinion’

 

All out support ang Aces and Queens beauties na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, 2016 Miss International Kylie Verzosa at Binibining Pilipinas International 2017 Mariel De Leon sa naganap na book launch ng The Crown: Your Essential Guide To Becoming A Beauty Queen na likha ng kanilang mentor na si Jonas Gaffud.

Dito nakapanayam natin si Mariel na isa sa mga magbibida sa Ang Panday Movie kung saan gaganap siya bilang leading lady ni Coco Martin.

"So far wala pang action scenes or anything like that. It's mostly building up scenes and it's fun to work with other cast members," ani ni Mariel.

 

 

Picture stolen from Tita Carmi 😊 Fun shoot today in Tondo for Ang Panday! #AngPanday2017

A post shared by Mariel de Leon (@mariaangelicadl) on

Dahil siya ang gaganap na leading lady ni Coco, pabirong sinagot ni Mariel kung may posibilad ba na magkaroon sila ng kissing scene sa eksena.

"Ammm... I'll ask my parents! (Laughs) I’ll ask my parents!” pabirong pahayag ni Mariel.

Bukod sa Ang Panday movie, naging favorite din kamakailan ng mga netizen si Mariel dahil sa kanyang tila mga kontrobersyal na pahayag sa kanyang social media accounts na lalo pang uminit nang sagutin ito ng Assistant Secretary of Presidential Communication Operations Office na si Mocha Uson. Pero para kay Mariel, deadma lang siya dito.

"Sa akin okay lang naman kasi she also has the right to her own opinion so I'll let her be na lang," paliwanag pa ni Mariel.

Dahil aminadong outspoken, sanay na din daw si Mariel sa mga nakukuhang negative comments mula sa kanyang mga social media accounts.

"I laugh actually kasi sometimes things they say nakakatawa talaga kasi it’s so outrageous. I guess nothing I can do about it," pahayag ni Mariel.

Kasabay ng kanyang shooting sa Ang Panday, abala na din ngayon si Mariel sa kanyang training para sa nalalapit na laban sa Miss International beauty pageant sa Japan na gaganapin ngayong November.