• Home
  • Fresh Scoops
  • After 26 years, Vic Sotto handa na nga ba maging tatay muli?
After 26 years, Vic Sotto handa na nga ba maging tatay muli?
Excited na si Vic Sotto sa panganganak ni Pauleen Luna.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

8/17/2017 8:00 AM
After 26 years, Vic Sotto handa na nga ba maging tatay muli?

 

Present sa naganap na story conference ang ilan sa mga magbibida ng official entry ng 2017 Metro Manila Film Festival na pang pamilyang handog ng OctoArts, MZet at APT productions na Meant To Beh na pinangungunahan ni Vic Sotto.

Makakasama ni Bossing Vic ang ilan sa mga bituin ng iba-ibang network gaya nila Andrea Torres, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Baby Baste, JC Santos, Daniel Matsunaga, at si Dawn Zulueta.

Gaya ng nakasanayan na pang pamilyang pelikula tuwing pasko, kakaibang timpla ng storya naman daw ang tiyak na aabangan ng mga manunuod sa kanilang pelikula.

"Yes typical pang pamilyang Pilipino pero I'm sure everyone anyone can relate, mga bata matanda, mga payat, mataba makaka relate," pagbibiro ni Bossing.

Ayon kay Vic, bukod sa magkakahalong artista mula sa iba-ibang network ang kanyang kasama, magkahalong timpla din daw ng kuwento ang aasahan ngayon sa kanilang pelikula.

"Meron comedy, meron din drama hindi kasi nawawala sa Pinoy ang drama e. Importante na ingredient yun e, hindi sa pelikula ah sa buhay natin," sabi pa ni Bossing.

Samantala, bukod sa paghahanda sa kanyang MMFF official entry, isa din sa pinaghahandaan ni Bossing ang nalalapit na pa nganganak ng kanyang baby sa kanyang asawa na si Pauleen Luna.

"After 26 years, I'll be a father again! Of course yung excitement parang na re-recycle yung pagka-excited mo on having a baby pero siyempre mas excited si misis," saad pa ni Bossing.

Magiging abala man sa kasagsagan ng pagbubuntis ng kanyang misis, sinugurado naman ni Bossing na kapiling na siya ni Pauleen sa panahon ng panganganak nito.

 

Loving the cool weather 🍂 #19weekspregnant

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

"Okay naman siya, she's due in the last week of November or baka first week ng December so most probably nasa post-production na kami non," pagtatapos na pahayag ni Vic.