• Home
  • Fresh Scoops
  • WATCH: Vice Ganda’s sweetest gesture for his doting mother
WATCH: Vice Ganda’s sweetest gesture for his doting mother
BY JOAN LEARY
8/13/2017 1:27 PM
WATCH: Vice Ganda’s sweetest gesture for his doting mother


Photo credit @praybeytbenjamin IG

 

Marami ang naantig nang i-post ng It’s Showtime host na si Vice Ganda ang isang video sa Instagram kung saan sinasamahan niya ang kanyang ina bumili ng sapatos.

“Nung bata pa ko pumupunta pa kami ng Carriedo sa Sta.Cruz para ibili niya ko ng sapatos bago mag Christmas Party. Ngayon sya naman ang ibibili ko. Pag dating sayo araw araw Pasko,” ani Vice sa kanyang post nitong Sabado, Agosto 12.

 

Maraming netizens ang nakadama ng kanyang pagmamahal para sa kanyang ina.

Kasalukuyang nasa South Korea si Vice para sa concert na 'Pusuan Mo Si Vice Ganda sa Korea.'