• Home
  • Fresh Scoops
  • John Arcilla masaya sa pagtanggap ng Millenials sa indie Movies
John Arcilla masaya sa pagtanggap ng Millenials sa indie Movies
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

8/13/2017 9:53 AM
John Arcilla masaya sa pagtanggap ng Millenials sa indie  Movies


 

Isa si John Arcilla sa mga bida ng pelikulang Birdshot na kalahok sa unang Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sa naganap na press presentation ng official entry na ito ng TBA Productions, buong puso na ipinagmamalaki niya ang kanilang pelikula na umani na ng papuri sa iba't ibang bansa.

 

"I'm really proud of this film kasi na-appreciate siya sa ibang bansa na hindi naman nakaka-intindi ng Tagalog. Kaya I'm sure tayong mga Pilipino ma-appreciate din natin ito. Kaya subukan natin at suriin natin at doon natin sabihin na hindi siya naiintindihan," ani pa ni John.

Tumatak si John sa kanyang role sa Heneral Luna na tumabo ng mahigit 300 million pesos sa takilya. Kung kaya gaya ng blockbuster movie na ito, sinugurado ni John na hindi pagsisishan na panuorin ang kanilang pelikula.

 

"Ang kaibahan nito hindi siya anti-hero na siya yung lead tapos siya pa yung matapang. Dito naman, siya yung symbol ng corruption. Actually hindi siya mas aggressive kagaya ni Heneral Luna," sabi ni John.

Bukod dito masayang-masaya din si John para sa magandang pagtanggap ng bagong henerasyon o mga millennials sa mga independent movies.

 

"Meron na talagang following ang indie movies. I mean when we had opened one time in CCP, I'm telling you yung dami ng audience at reception sa amin ibang-iba. Honestly hindi ko talaga ineexpect talaga and most of them are millennials kaya masaya ako kasi talagang hindi namamatay ang pelikulang Pilipino," pahayag ni John.

Aktibo din ngayon si John sa telebisyon bilang isang kontrabida sa top-rating action teleserye FPJ's Ang Probinsyano.