• Home
  • Fresh Scoops
  • 2015 Miss Manila tries her luck at 2017 Miss World Philippines
2015 Miss Manila tries her luck at 2017 Miss World Philippines
Former ‘It’s Showtime’ finalist Kaycie Lyn Fajardo will be competing for Miss World Philippines.
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

8/13/2017 11:12 AM
2015 Miss Manila tries her luck at 2017 Miss World Philippines

 

Pasok sa 2017 batch ng Miss World Philippines candidates si Kaycie Lyn Fajardo mula sa capital City of Manila na siyang candidate number 5 sa 35 official candidates.

Isang custom administration graduate si Kaycie Lyn na suki na sa mga malalaking pageants ng bansa. Bukod sa Miss Manila, siya rin ang 4th runner up sa "Ganda Babae" segment ng It’s Showtime na napanood noong 2014. Ito ang naging daan para mapasok bilang isa sa 24K girls ng Kapamilya Deal or No Deal. Naniniwala si Kaycie na swerte sa kanya ang numero na natapat para sa Miss World PH.

"Yesterday, the organization gave us our official number for Miss World Phil 2017. And I am destined to be ‘numero singko’ the most dynamic and energetic of all the digits I would claim!" sabi ni Kaycie.

Kung may ka-lookalike daw ang Aces and Queens beauty queen ay madalas siyang naikukumpara kay Alessandra de Rossi, Rhian Ramos at Lovi Poe.

Pasok din si Kaycie bilang isa sa finalists ng talent portion ng Miss World PH kung saan nag-perform siya ng magic tricks onstage na click sa audience. Magaganap naman ang coronation ng Miss World PH sa September 3.