• Home
  • Fresh Scoops
  • Susan Roces at Yassi Pressman, nagbahagi ng ilang kuwento ng masayang samahan sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
Susan Roces at Yassi Pressman, nagbahagi ng ilang kuwento ng masayang samahan sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
Susan Roces umamin na ‘dumikit na sa aking katauhan ang character ko dito.’
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

8/12/2017 11:30 AM
Susan Roces at Yassi Pressman, nagbahagi ng ilang kuwento ng masayang samahan sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’


 

Todo ang pagmamalaki ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces sa ika-100 week na pamamayagpag ng FPJ's Ang Probinsyano sa ratings na pinangungunahan ni Coco Martin.

Gumaganap bilang si Lola Flora si Ms. Susan na nagmarka na sa mga manunuod.

"Naging parte na ng araw-araw na buhay namin ang teleseryeng ito. Hindi ko na nga malaman kung sino si Lola Flora at kung sino si Susan. Pag-gising ko tuwing umaga, dumikit na sa aking katauhan ang character ko dito," sabi pa ng beteranang aktres.

Si Yassi Pressman naman na gumaganap bilang si Alyana Arevalo na asawa ni Cardo Dalisay ay ibinahagi ang magandang samahan nila sa set.

"Kapag nakita niyo po sila sa set kung paano sila magtrato hindi lang ng co--artists at staff ng lahat ng kasama namin, si Tita Su (Susan Roces) laging sinisiguro na lagi kaming mayroon pagkain," pahayag ni Yassi.

Dahil sa matagumpay na pagsasabuhay nila sa kanilang mga karakter, sinusigurado ni Susan na malayo pa ang mararating ng programa na sumasalamin ngayon sa mga isyu ng tunay na estado ng Pilipinas.

"Ramdam na ramdam ko sa mga eksena namin sa palabas na ito ang tunay na pinagdadaanan na mga normal na tao," sabi pa ni Susan.