• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Estrada, nag-react na sa alleged sex scandal ng anak na si Kiko Estrada
Gary Estrada, nag-react na sa alleged sex scandal ng anak na si Kiko Estrada
Balak ni Gary Estrada ibalik ang kanyang dating hunky physique.
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

8/12/2017 11:27 AM
Gary Estrada, nag-react na sa alleged sex scandal ng anak na si Kiko Estrada
Photo credits to Gary Estrada FB

 

Aminado si Gary Estrada na napabayaan niya ang kanyang katawan simula nung pumasok siya sa pulitika. Isa ang aktor sa maituturing na sexy heartthrobs nung kanyang kapanahunan lalo na kapag nakasuot na siya ng trunks.

“Antayin nila ang pagbabalik ko. Magpapaseksi ako ulit,” bulalas ni Gary sa PUSH.

“Kasi alam mo kung bakit, kasi pag pumasok ka sa pulitika mapapabayaan mo ang sarili mo. To be honest with you, pinaayos ko yung gym ko ngayon sa amin sa probinsya.

“Napakaganda nung gym ko ngayon so nai-inspire ako lalung-lalo na pag tinitingnan ko yung mga picture ko dati.”

Kakayanin ba niya ulit mag-trunks?

“Kakayanin ko! Give me a couple of months siguro, I’ll train,” sagot niya.

Binata na ang anak ni Gary kay Cheska Diaz na si Kiko Estrada na isa na ring hunky aktor sa showbiz. Proud siya kay Kiko pero mas okey daw kung sana ay tinapos nito ang kanyang college bago nag-artista.

“I’m very, very proud of my son,” sambit pa niya.

“Kung ako nga ang masusunod, siyempre, sana tinapos muna niya ang pag-aaral kasi nasa third year college na siya nung huminto. He’s doing very well already in Benilde.

“I feel sad lang kasi isang taon na lang at kalahati ga-graduate na siya. Kasi yung sa akin naman ang pumasok sa showbiz halos ganun din, eh. Pero pinilit ko na makapagtapos kahit papaano.

“Yung college degree ko it took me seven years na usually dapat apat na taon lang di ba? So sana matapos niya, kasi at the end of the day iba pa rin yung may ano ka, may natapos ka.

“Malay mo pagkatapos niya nitong karerang ito bilang artista puwede siyang pumasok sa pulitika, sundan yung yapak ng pamilya namin,” dire-diretso niyang pahayag.

Napunta ang kuwentuhan namin ni Gary sa alleged sex scandal ni Kiko. Aware ba siya tungkol dito?

“Yes.”

Anong naging reaksyon mo?

“I felt sad.”

Nakita mo ba ang video?

“Well… sa akin na lang. I felt sad.”

Kinausap mo ba siya?

“No! I never talk to him about it. Hindi ako nagalit. Hindi namin pinag-usapan. At ayaw ko ring pag-usapan.

“That’s why I always advise him to be careful sa mga gagawin niya, sa mga sasabihin niya, kasi ano yan, eh, may consequence,” bilin niya sa anak.

Samantala, hanggang ngayon ay matatag pa rin ang pagsasama nina Gary at Bernadette Allyson na nagbunga ng tatlong anak na puro babae.

Hindi ba niya naisip na pambayad utang ang mga babaeng anak niya sa pagiging palikero at babaero niya noon?

“Pambihira ka, grabe ka, Leo. Hindi naman ako babaero. Hindi ko naman sila pinagsasabay-sabay,” paglilinaw niya.

“As far as I know, minahal ko naman lahat yung mga naging parte ng buhay ko. It was fun when it was there. Siguro, nagsisisi na sila ngayon ano? Akala siguro nila babaero lang ako,” natatawa niyang hirit.

May kinalaman din daw ang pinagdaanan niya noon kung bakit intact ang family niya ngayon.

“I came from a broken (family). Alam naman ng lahat na ako’y isa sa mga anak sa labas ni George Estregan, so when I had my family, I want to show the kids na, ‘Okay, you will have a father, he’s going to be there most of the time kung hindi man all the time.

“I want to be a good father, yon ang pinangarap ko. Naging estranged kasi kami ng daddy ko, eh. We grew up with my mom, lumaki ako sa lola ko. So, basically, hindi ko alam yung salitang pamilya, eh.

“Kaya nung nagkapamilya ako, sinunod ko lang kung ano yung nararamdaman ng puso ko,” pagtatapos ni Gary sa PUSH.