• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin, nagsalita na sa pag-exit ni Xymon ‘Onyok’ Pineda sa “Ang Probinsyano”
Coco Martin, nagsalita na sa pag-exit ni Xymon ‘Onyok’ Pineda sa “Ang Probinsyano”
Sinabi ni Coco na priority niya ang kung anong makakabubuti sa mga batang kasama niya sa teleserye.
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

7/6/2017 12:54 AM
Coco Martin, nagsalita na sa pag-exit ni Xymon ‘Onyok’ Pineda sa “Ang Probinsyano”

 

Ayon kay Coco Martin, may dahilan kung bakit hindi na napapanood si Simon Ezekiel Pineda, na mas kilala bilang si Onyok, sa top rating series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.

“Gusto kasi talagang mag-aral nung bata,” sabi agad ng aktor nang makausap siya ng PUSH sa storycon at announcement ng cast ng Ang Panday.

Patuloy ni Coco, “Kami naman po naiintindihan namin yung ano. Saka siyempre po, kami pina-priority namin yung bata, na maalagaan sila. Like kunyari po sina Paquito, kahit nagtatrabaho sila, nakakapag-aral pa rin sila.”

Hindi rin daw totoo na nagkaroon ng attitude problem ang nanay ni Onyok kaya ito tsinugi sa serye.

“Hindi, hindi po. Kasi talagang nung sinabi po nilang… kasi nga nakaipon na, nakabili na siya ng bahay at sasakyan tapos gusto talaga niyang mag-aral, sabi namin, kung ano yung gusto nila yon yung pagbibigyan namin.

“Pinakaimportante yon, eh. Mawawala tayo sa showbiz pero yung matutunan ng bata hindi. Kaya honestly, nung sina Paquito, sina Ligaya na mga taga-Cebu, sinabi namin na kailangan nag-aaral sila.

“Hindi puwedeng puro trabaho lang. Kailangan kahit nando’n sila sa taping, kahit four hours lang sila dapat nag-aaral sila,” paliwanag ng bagong Panday.

Pero any time daw naman na gustong bumalik ni Onyok sa FPJ’s Ang Probinsyano ay welcome siya.

“Kaya nga kung mapapansin nyo naka-open naman siya, eh. Naka-open yung kuwento na yon.”

Ibinalita rin ni Coco na kasama si Onyok sa Metro Manila Film Festival movie na Ang Panday.

“Andito po siya sa Panday. Siya yung hari ng mga duwende,” sabi pa ng aktor.

Ang Panday ay produce ng CCM Films at halos lahat ng mga kasamahan ni Coco sa Ang Probinsyano ay nasa cast din ng pelikula. Si Rodel Nacianceno (Coco’s real name) ang director ng pelikula.