• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales nagbigay ng tip para sa mga gustong manligaw sa kanya
Erich Gonzales nagbigay ng tip para sa mga gustong manligaw sa kanya
Hindi pa rin naiwasang maitanong kay Erich kung ano ang masasabi niya sa isang coffee date invitation sa billboard.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

7/17/2017 1:27 AM
Erich Gonzales nagbigay ng tip para sa mga gustong manligaw sa kanya

 

Blooming at masayang masaya si Erich Gonzalez sa naganap na contract signing at look test para sa isang movie project under CINEKO Productions na The Significant Others.

Dito, makakasama ni Erich for the first time ang ilang malalaking bituin gaya nila Snooky Serna, Dina Bonnevie, Tom Rodriguez at Lovi Poe.

 

Sa panayam na ito hindi pa din maiwasan na mapag usapan ang bonggang Billboard coffee invitation ng isang fan kay Erich na nag-trend sa social media.

"To be honest with regards that issue, noong una just like you guys, na-surprise ako, natuwa naman ako sa effort," ani ni Erich.

Ayon pa sa aktres natuwa siya para sa effort na iyon ng isang fan, pero aminado siya na nakaramdan pa din siya ng pangamba para sa kanyang sarili.

"As things unfolded, naglabasan yung mga expose about him. Ako naman kasi personally lahat naman ng supporters ko na appreciate ko lahat ng ginagawa nila, malaking bagay o maliit man yan. Nung una okay naman and then parang nagsimula na siyang mag-post ng mga long messages sa social media so parang naging... uncomfortable ako and after talking to my family and friends, I decided not to meet him," paliwanag ni Erich.

"You don't have to do anything grand or whatsoever to get my attention, you know I'm a very simple girl," dagdag pa nito.

Sa usapin naman ng estado ng kanyang puso, aminado si Erich na inspirado siya ngayon.

"I'm very inspired, right now madami pong dahilan para maging masaya at maging grateful andyan ang pamilya ko at mga kaibigan ko," saad pa ni Erich.

Dahil sa pinagdaanang breakup nila ni Daniel Matsunaga, aminado si Erich na mahirap para sa kanya ang umibig muli.

"May mga nagpaparamdam pero wala eh, 10 years pa muna and let's just focus muna sa magagandang bagay na nangyayari sa ‘tin ngayon," pagtatapos na pahayag ni Erich.

Bukod sa The Significant Other, nakatakda na din mapanuod ngayong taon ang kanyang pelikula na Siargao kung saan makakasama niya si Jericho Rosales.