Daniel Matsunaga goes back to Brazil
Daniel Matsunaga is happy about reuniting with family.
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

6/15/2017 10:20 AM
Daniel Matsunaga goes back to Brazil

 

Matapos ang naging laban ni Daniel Matsunaga bilang I-Candidate sa I Can Do That, muli na namang lalaban si Daniel para maging representative ng Pilipinas sa isang sports tournament sa Brazil. Kuwento ni Daniel, nakatakda siyang bumalik sa Brazil para sa nasabing sports tournament na tatagal ng higit sa isang buwan.

"'Di ba nanalo ako sa tournament ng football so I'm going to represent the Philippines sa street football," sabi ni Daniel.

 

 

 

Ani pa ni Daniel, magandang pagkakataon na rin daw ito upang makasama niya ang pamilya na apat na taon na ring hindi niya nakapiling ng matagal.

"Sobrang saya ko. It's been so long na hindi ko nakita ang pamilya ko doon. Siyempre they missed me and I miss them a lot. For me family is everything," ani Daniel.

Kasunod din nito ang concert tour niya sa Europe kung saan makakasama niya si Arci Muñoz na nali-link sa kanya ngayon. Pero para kay Daniel, walang malisya ang kanilang closeness.

 

 

 

"I hope that God will give me the right one I've been waiting for. But right now focus muna ako sa work and kung may isang babae in the future, God knows best,"ani Daniel.

Sa ngayon haharapin muna ni Daniel ang pagmo-move on mula sa nakaraang relasyon kaya subsob sa sunod-sunod na schedule sa kanyang career.