• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin, Angelica Panganiban team up with Richard Gutierrez in new film
Angel Locsin, Angelica Panganiban team up with Richard Gutierrez in new film
The actresses reunite in a Star Cinema movie with new leading man Richard Gutierrez.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

5/9/2017 8:00 PM
Angel Locsin, Angelica Panganiban team up with Richard Gutierrez in new film

050917-RICHARD-ANGE_PUSH.jpgNagbabalik Star Cinema ang actor-heartthrob na si Richard Gutierrez para sa isang pelikula na nakatakdang ipalabas ngayon taon.

Dito makakasama ng aktor ang mga maningning na bituin ng Kapamilya Network na sina Angelica Panganiban at Angel Locsin.

Sa naganap na story conference ng movie, naibahagi ni Richard, Angel, at Angelica ang kanilang pananabik para sa kanilang pag sasamahang proyekto.

"I'm very very excited with this project of course ang daming first, like first time ko makakatrabaho si Angelica, and after 10 years makaka trabaho ko si Angel dito sa Star Cinema. I consider this as a new chapter," pagbabahagi ni Richard. 

Kahit 10 years na ang nakalipas, nanaig pa din kay Angel ang excitement na makatarabaho niyang muli si Richard, na matagal niyang nakasama noon sa ibang TV station.

"I'm very excited na makakatrabaho ulit si Angelica after One More Try, si Richard naman after 10 years sobrang na miss ko siya ka trabaho and exciting kung papano ulit kami sa mga eksena, yung mga nuances namin, kung papano namin tutulungan ang isa’t isa parang ganun," kwento pa ni Angel. 

Excited din si Angelica, na first time makakatrabaho si Richard.

"Bagong team up kasama namin si Richard and first time namin magka trabaho ibang iba talaga ibang flavor depende kung ano kalalabasan nito," pahayag ni Angelica. 

Dahil ito na ang ikalawang pagkakataon ni Richard sa Star Cinema, naitanong din sa aktor kung possible ba na magtuloy tuloy na ito sa iba pang kapamilya shows? 

"Abangan nalang natin ang mga susunod na kabanata pero for now I'm really excited to be part of this project." Paliwanag ni Richard 

2008 ng huling gumawa si Richard ng proyekto sa Star Cinema sa pelikulang For The First Time kung saan nakapareha niya si Kc Concepcion at 2012 ng huli nagsama si Angel at Angelica sa pelikulang One More Try.