• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Maning Borlaza shares his thoughts on Liza Soberano as the next Darna
EXCLUSIVE: Maning Borlaza shares his thoughts on Liza Soberano as the next Darna
Veteran ‘Darna’ director Maning Borlaza reacts to Liza Soberano being named the new Darna.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

5/31/2017 12:24 PM
EXCLUSIVE: Maning Borlaza shares his thoughts on Liza Soberano as the next Darna
Photo credit to starmagic IG

Umani ng iba’t-ibang reaksyon sa social media ang naganap na announcement ng Star Cinema para sa muling paglipad ni Darna sa katauhan ni Liza Soberano.

Mula sa pagiging sweet at charming na karakater na ginampanan ni Liza sa mga hit teleserye gaya ng Forevermore at Dolce Amore, muling tatatak si Liza sa puso ng mga Pilipino bilang isang Pinay superhero.

Pero para sa veteran director na si Maning Borlaza na lumikha ng dalawa sa mga hit Darna movies ni Vilma Santos na Lipad Darna Lipad (1973) at Darna and the Giants (1974), perfect si Liza sa karakter bilang bagong pinay superhero.

"Napakaganda niya (Liza) and I'm sure she'll be look wonderful in two piece suit. Pero yung beauty niya, napaka-fragile kasi para sa akin ha. Ang feeling ko kung ako yung lalaki at ako yung nanunuod sa kanya sa teatro, baka ang feeling ko 'I might want to protect her' bilang manunuod," paliwanag ng director.

Inihalintulad pa ni Direk Maning si Liza sa naging pagganap noon ni Vilma Santos bilang Darna.

"Depende yan sa fight instructor kung mabibigyan siya ng tamang instruction at kung ang magiging desisyon niya (Liza) ay parang kay Vilma na 'Sa liit kong ito e kaya ko kayong labanan,’" sabi pa nito.

Nagbigay payo din ang veteran director kay Liza.

"Dapat mag-effort ang fight instructor at si Liza mismo na ipakita [ang superhero aura] at mag-training talaga ng mahusay," ani pa nito.

Dahil malapit sa puso ng mga Pilipino ang karakter na Darna, kuwento pa ni direk Maning mas lalo pang mapapalapit si Liza sa masa.

"Ang role ni Darna ay napamahal sa mga Pilipino dahil si Narda ay isang mahirap na bata, so it identifies the public dahil ilang percent sa population ng Pilipinas ay mahihirap. So most of them identify themselves as Narda at kapag naman may powers si Narda as Darna, ipinagtatanggol naman niya ang mahihirap, ang mga api at inaapi kaya ang identification doon sa character ay may pagmamahal at pasasalamat," sabi pa nito.

Dagdag pa ni direk Maning sa paglipad ni Liza bilang si Darna, inaasahan niya na magbubukas ito ng mas marami pang oportunidad para sa dalaga.

"Ang Darna is a very good stepping stone mo para mapamahal ka sa masa na nagbabayad sa takilya," pahayag pa ng director.