• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto at Dawn Zulueta excited sa kanilang muling pagtatambal
Vic Sotto at Dawn Zulueta excited sa kanilang muling pagtatambal
Vic Sotto at Dawn Zulueta looking forward sa muling pag parada sa MMFF float
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

12/8/2017 9:28 AM
Vic Sotto at Dawn Zulueta excited sa kanilang muling pagtatambal


 

Masayang-masaya at excited na sina Vic Sotto at Dawn Zulueta nang nakapanayam ito ng entertainment press sa naganap na media launch ng kanilang upcoming movie na Meant To Beh na opisyal na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Kuwento ni Bossing, espesyal para sa kanya ang darating na Pasko dahil sa kanyang pagbabalik sa MMFF.

"Very special. The fact na we have a new member of the family tapos it's good to be back with the festival. And I'm very proud of this movie dahil ano siya e.. for the family, for the kids, pang mag-asawa. At malinis din ang pagkakagawa ni direk Chris Martinez. Nakakatawa siya and at the same time it's a very serious story," sabi pa ni Bossing.

Sa kanyang pagbabalik film fest, ibang Bossing din daw ang mapapanuod ngayon dahil iba ang pelikulang ito sa mga nagawa niya noon na puro fantasy movie.

"Parang na-umay na ako sa fantasy. Hindi ko naman binabaliwala yung fantasy pero puro fantasy yung ginawa ko for so many years and I wanted to change and I wanted to move on from puro fantasy. I wanted something realistic and I wanted sana na nakaka-relate yung mag-asawa, yung mga anak na teenager, yung anak na mataba. So this is something different, something new for me,"  paliwanag pa ni Vic.

Aminado din ang veteran comedy actor na na-miss niya ang pagsakay ng float na isa sa mga inaabangan na bahagi ng MMFF.

"Oo na-miss ko ang pagsakay ng float, na-miss ko ang parada. Parang hinahanap-hanap ng katawan ko last year kaya it's good to be back," pahayag pa ni Vic.

Gaya ni Vic, excitement din ang nararamdaman ng kanyang lady na si Dawn Zulueta sa kanilang pagsasama muli sa isang proyekto.

"Excited na excited kasi matagal na talaga ako na hindi nakasama sa film fest. It's a movie with heart kasi family naman din siya, mapi-feature siyempre dito bukod sa mga talents ng ating mga bagets dito. Siyempre kasama yung life lessons ng family life and values,” sabi ni Dawn.

Masayang-masaya din daw si Dawn sa reunion project nila ni Bossing na huli niya nakasama noon sa Okey Ka Fairy Ko.

"Enjoy na enjoy ako kasama si Bossing, na-miss ko na siya kasi last time na nakasama ko siya for a movie is Okey Ka Fairy Ko. Ang tagal na and dalaga pa ako non," ani pa ng aktres.

Pansin din daw ni Dawn na tila ‘di tumatanda ang kapareha.

"Actually hindi nga siya tumatanda e. Sabi ko nga sa kanya, 'Itsura natin Bossing a, parang yummy ka pa din ah' (laughs) Tuwang tuwa naman siya (laughs)," pagbibirong pahayag ni Dawn.

Mapapanuod ang Meant To Beh sa pagbubukas ng 2017 Metro Manila Film Festival ngayong pasko.