43rd MMFF Entry Gandarrappido: The Revengers Squad
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

12/8/2017 10:01 AM
43rd MMFF Entry Gandarrappido: The Revengers Squad


Photo credit: @StarCinema twitter

 

Isa sa mga mainit na pelikula na aabangan ngayong pag bubukas ng 43rd Metro Manila Film Festival ay ang pang pamilyang pelikula ng Star Cinema at ng Viva Films na Gandarrappido The Revengers Squad.

Sa pangunguna ng Unkabogable Superstar Vice Ganda at box office King Daniel Padilla,  bibigyang saya ng kapamilya stars ang darating na kapaskuhan.

Makakasama din sa pagbibigay saya ngayong pasko sa unang pagkakataon si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na kahit na glamorosa sa kanyang sexing sexy outfit, game na game din sa pakikipag sabayan kay vice Ganda.

Kabilang din sa magbibigay ngiti sa mga manunuod ng The Revengers Squad ay sila Karla Estrada, Wacky Kiray, Lassy Marquez, MC Calaquian at Ejay Falcon.

Ang Gandarrappido The Revengers Squad ay isa lamang sa mga pang pamilyang pelikula ni Vice Ganda sa taunang Film Festival.

Mapapanuod ang Gandarrappido The Revengers Squad sa pagbubukas ng 43rd Metro Manila Film Festival ngayong December 25 sa Direksyon ni Joyce Bernal.