Sino nga ba si Baby Ricky sa buhay ni Coco Martin?
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

12/6/2017 8:59 AM
Sino nga ba si Baby Ricky sa buhay ni Coco Martin?


Photo credit: @mr.cocomartin IG

 

Aminado ang Idolo ng Masa at FPJ's Ang Probinsyano star na si Coco Martin na labis siyang natutuwa sa mga bata.

At isa ngayon sa masasabi niyang paborito niya ay ang minsan nang naging bida sa FPJ's Ang Probinsyano na si Ricky Boy.

Matatandaan na isa sa mga malalaking eksena noon sa FPJ's Ang Probinsyano noon ang pagkamatay ng anak ni Cardo Dalisay na si Ricky Boy.

 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

"Si Ricky Boy ang anak ko sa Ang Probinsyano, e siyempre siya yung anak ko doon ako ang nag-alaga sa kanya that time. Siyempre bata hindi naman marunong umarte, ako din ang nag-guide sa kanya at ako ang nagpapa-arte sa kanya. Yun, naging malapit siya sa akin, e. Wala yung daddy niya sa ngayon kaya pag nagkakaroon ako ng free time kinukuha ko siya, dinadala ko sa bahay, naglalaro sila ng mga pamangkin ko," sabi ni Coco sa naging panayam ng PUSH sa media conference ng kanyang upcoming Metro Manila Film Fest movie Ang Panday.

 

😚😍😍

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 

 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 

 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Kuwento pa ni Coco na ibang saya daw ang kanyang nararamdaman kapag nakakasama niya sa kanyang libreng oras si Baby Ricky.

"Masarap sa pakiramdam kasi ang bait ng bata, sobrang talino. Matagal ko din nakasama kaya talagang napamahal na din sa akin," saad ng actor.

 

Good morning po!!!😄😄😄

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Hindi naman itinatanggi ni Coco na gusto na din niya magkaroon ng sariling anak.

"Gusto na," pag-amin niya.

Aniya, wala pa man ito sa kanyang priority ngayon pero kung darating daw ito ay tatanggapin niya ito.

"Pinaplano, hindi. Wala sa plano pero if ever na dumating siya anytime, sa palagay ko naman ready na ako. Sabi ko nga sa lahat ng mga pamangkin ko ako ang nag-aasikaso e, what more sarili ko pa?" pahayag ni Coco.