• Home
  • Fresh Scoops
  • Derek Ramsay on ex-GF Angelica Panganiban: ‘I hope she’ll find the right guy who’ll treat her right’
Derek Ramsay on ex-GF Angelica Panganiban: ‘I hope she’ll find the right guy who’ll treat her right’
Derek Ramsay reveals how he and Angelica Panganiban slowly became friends again.
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

12/6/2017 9:12 AM
Derek Ramsay on ex-GF Angelica Panganiban: ‘I hope she’ll find the right guy who’ll treat her right’


 

Okey na okey pala ang relasyon ngayon bilang magkaibigan ng dating magkarelasyon na sina Derek Ramsay at Angelia Panganiban.

Ayon sa kuwento ni Derek, halos four times na niyang nakakausap ang ex-girlfriend at ang huli nga ay nangyari lang recently pagbalik ng aktor mula sa Italy kasama ang non-showbiz girlfriend kung saan sila nagbakasyon ng halos isang buwan.

“Nakausap ko si Angel just when I got back from Italy kasi kasama niya yung kaibigan ko sa Siargao. Pagtawag ko sa kaibigan ko siya yung sumagot.

“So, ‘Uy, kumusta.’ Basta ganun. I haven’t spoken to her in a long time,” kuwento sa PUSH ni Derek nang makausap namin siya.

Paano ba sila naging okey ni Angelica?

“Time din lang talaga… time,” sagot ng aktor.

Dagdag pa ni Derek tungkol sa detalye ng pagbabati nila ng ex-girlfriend, “She greeted me one time on my birthday, and out of the blue, I gave her a call. And we… little bit of chitchat, reminisce, ganun.

“And then after that, nagpapatayo siya ng bahay noon and she’s trying to decorate and I told her I’m willing to help her, give her my contacts.

“Tapos naging busy na kami, we didn’t talk. And then again, nung tumawag ako sa kaibigan ko sa Siargao, siya yung sumagot,” sambit pa ng bida sa All Of You.

Masaya ang love life ngayon ni Derek na inaming ka-live-in na niya ang non-showbiz girlfriend. Si Angelica naman ay nananatiling single pagkatapos makipagrelasyon kay John Lloyd Cruz.

Pero ayon kay Derek, alam niyang makakahanap din ang aktres ng right guy na magmamahal sa kanya.

“Angel will be okey. Angel will find the right guy. Imposibleng she doesn’t.

“She’s a wonderful lady, she’s a sweetheart, so she’ll find the right man and that’s what I hope for her–to find the right guy who’ll treat her right,” wish niya sa aktres.

“I guess, they have their differences that didn’t work out, but from what I see, they’re friends and that’s what important na after having a serious relationship na hindi naging okey you still mature to be friends with one another,” dagdag pa niya.

Tungkol naman sa posibilidad ng pagbalik niya sa ABS-CBN after ng pakikipag-meeting niya sa management ng network, wala pa raw kasiguraduhan dito.

“I never live my life with a regret. I was honest. Sometimes the truth hurts, but you have to speak out, di ba? You can’t keep it in there especially when you’re given opportunity na nando’n na kayo. Para wala nang misunderstanding ilabas mo na lahat.

“Out of respect to TV5 who has been great with me, it’s going to be my sixth year with TV5, they’ve been wonderful to me, so… ayokong isipin muna.

“That’s how I am, I’m sorry, but they have given me so much respect just like Channel 2 did. So, I have a contract, I have to respect that and I will still give whatever I can to help the network.

“If they still want my services, then I cannot turn my back on them,” katwiran ni Derek.

Kasama ni Derek sa All of You na palabas simula sa December 25  si Jennylyn Mercado. Second time na nilang pagsasama ito sa pelikula na unang nagkatrabaho sa 2014 Metro Manila Film Fest movie na English Only, Please.