• Home
  • Fresh Scoops
  • Ina ni Hashtags Franco ibinahagi kung ano ang mga pangarap ng anak
Ina ni Hashtags Franco ibinahagi kung ano ang mga pangarap ng anak
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

11/15/2017 9:31 AM
Ina ni Hashtags Franco ibinahagi kung ano ang mga pangarap ng anak

 

Kasalukuyang nakaburol sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City ang labi ng pumanaw na Hashtags member na si Franco Lumanlan.

Read: Ina ni Hashtag Franco, nagpasalamat sa lahat ng nagmamahal sa namayapang anak

Labis na ikinagulat ng kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay ang kanyang biglaang pamamaalam nitong November 11 nang aksidente itong malunod sa kalagitnaan ng bakasyon sa North Lamidan sa Davao Occidental.

Read: Hashtag Franco Hernandez passes away

Kasama noon ni Franco ang kanyang girlfriend na si Janica Nam Floresca at kasamahan sa Hashtags na si Tom Doromal nang nangyari ang aksidente. Dahil dito, labis na nagdadalamhati ang girlfriend ni Franco kaya naman mas pinili nito na hindi na muna magpa-interview.

Larawan naman ng katatagan ang ina ni Franco na si Marissa Lumanlan nang nakapanayam ito ng PUSH at ng ABS-CBN News na inalala pa ang mga huling sandali kasama ang kanyang anak.

 

"Si Franco is very loving, lalo na sa sister niya. Isa lang ang kapatid niya, babae. The last time nga bago siya namatay, nagbigay pa siya ng sandwich sa kwarto niya and he texted his sister sabi niya, 'May sandwich ako para sa iyo. I love you.' Mga ganun pa ang sinabi niya," kuwento ni Mommy Marissa ni Franco.

Hindi din daw makakalimutan ni Mommy Marissa ang huling pag-uusap nila ng kanyang anak bago ito umalis para magbakasyon.

"Sabi niya na pagod na pagod lang siya that's why he needs a break. He's going on a four-day vacation in Davao, and unfortunately this accident happened." 

Kuwento pa ng ina ni Franco, puno pa sana ng plano ito noong nabubuhay pa ito. Kasama din daw sa plano sana ng binata ang mga pangarap niya para sa kanyang pamilya.

"Gusto niya bumili ng bagong house sana. Pinag-iipunan niya talaga. And travel yan ang gusto niya, mag-travel talaga," malungkot na pahayag ni Marissa.

Sa darating na Biyernes, November 17, nakatakda ang cremation sa mga labi ni Hashtag Franco sa Arlington Memorial Chapel.