• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Matsunaga, Marlo Mortel, at Zanjoe Marudo nagkaroon nga ba ng fallback?
Daniel Matsunaga, Marlo Mortel, at Zanjoe Marudo nagkaroon nga ba ng fallback?
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

11/15/2017 9:25 AM
Daniel Matsunaga, Marlo Mortel, at Zanjoe Marudo nagkaroon nga ba ng fallback?

 

Kontrobersyal ang tema ng pelikulang Fallback kung saan kasama sina Zanjoe Marudo, Daniel Matsunaga at Marlo Mortel.

Topic din sa pelikula kung dapat din ba na magkaroon ng fallback o Plan B ang bawat isa pagdating sa love life upang hindi masaktan sa oras ng hiwalayan.

Natanong sa mga male cast ng pelikula kung nagkaroon ba sila ng fallback sa personal na buhay.

Si Zanjoe, stick to one at naniniwala na isa lang dapat kapag nagmahal.

"Hindi ako yung kailangan na ayun may fallback agad na para hindi ako malungkot at masaktan ‘di ba? Kasi naniniwala ako na magkakaroon ako ng girlfriend o partner, kailangan makilala ko. Yung ma-in love ako, yung lagi ko siya hinahanap, gusto ko siya makasama," paliwanag ni Zanjoe.

Para kay Daniel Matsunaga naman, malaking tulong ang faith sa Panginoon upang ibigay ang tamang girlfriend para sa kanya.

"Ako po, never po. I'm very responsible with my ex-girlfriends, with my current. I guess sa relationships ko I always put God as first," sabi ni Daniel.

Maingay naman ang naging reaksyon ng media sa sagot ni Marlo Mortel na umamin na minsan ay nagkaroon siya ng Plan B sa kanyang naging relasyon.

"Dati nagawa ko na yun, matagal na, bata pa ako. Yung nakikipaghiwalay ako kasi alam ko na meron na ako someone. May time na dumadaan ka siguro sa ganyang stage," paliwanag ni Marlo.

Showing na sa mga sinehan ang pelikulang Fallback ng Star Cinema at ng CINEKO Productions sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.