• Home
  • Fresh Scoops
  • Jon Lucas, may mensahe sa basher na nag-wish na siya na lang dapat ang namatay at hindi si Franco Hernandez
Jon Lucas, may mensahe sa basher na nag-wish na siya na lang dapat ang namatay at hindi si Franco Hernandez
Nag-react si Jon Lucas sa isang basher na nagsabi na dapat siya na lang ang namatay imbes ng kapwa Hashtags na si Franco Hernandez.
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

11/14/2017 9:27 AM
Jon Lucas, may mensahe sa basher na nag-wish na siya na lang dapat ang namatay at hindi si Franco Hernandez
Photo credit: @hashtag_donjon (L)/ @hashtag_franco IG (R)

 

Hindi apektado si Hashtags Jon Lucas sa sinabi ng isang basher named Pia Kim na dapat ay siya na lang daw ang namatay at hindi si Franco Hernandez na aksidenteng nalunod kamakailan lang.

Ayon kay Jon, okay lang siya at hindi naman naapektuhan sa sinabi ng kanyang basher.

“Okay lang naman po ako, Tito. Opo, wala po yon sa akin,” direct message niya sa amin sa Facebook.

After ng aming very short na kumustahan ay nag-post na rin si Jon ng reaksyon niya don sa nagwi-wish na siya na lang ang mamatay.

Post ni Jon, “Guys wag na tayo magsalita ng masama about don kay Pia Kim, may kumakasangkapan diyan para magalit tayo/ako eh hindi naman sila magtatagumpay, basta tayo matitino tayo.

“Wag natin i-wish sa kanya yung wish niya for me. Di naman ako mamamatay marami pa akong gagawin sa mundo, babawi pa ako sa pamilya ko, kaibigan, mga kaibigan na sumusuporta at higit sa lahat sa Ama.

“Ama na bahala sa kanila, hayaan niyo na. Wag na kayo magpaka-stress. Uso ngayon Aneurysm baka mamaya mawala tayo lahat magtagumpay pa tong Pia Kim hahaha.

“Kung makarating sa ‘yo ‘tong message ko Pia, hindi ako galit sa ‘yo ah? Wala ako sama ng loob sa sinabi mo, wag mo nalang ulitin sa ibang tao sana lesson na yan sayo ate. Godbless! #PEACE.”

Sa previous post ni Jon ay sinariwa niya ang pinagsamahan nila ni Hashtag Franco.

“Nice meeting you bro! sobrang bait mong tao, nakakapikon. Sunod sunod yung pagkawala ng mahahalagang tao sa buhay ko ng di ko nasabi sa kanila tong mga bagay na to.

“Pero totoo! Napakabait mong tao! Napakabuti mong anak at katrabaho. Muntik pa tayo mag-away pero ikaw pa mismo nagpaintindi sakin na wala lang yon at nirelax mo ko ng sobra...

“Kung ibang tao yon papatulan na ako non, kahit mas matanda ka sa kin pinaramdam mo sakin na hindi lahat nadadaan sa away. Ibang klase ka!

“Di mo na to mababasa, pero sana mabasa ng lahat ng tagahanga mo na hindi sila nagkamali ng sinuportahan na tao. Tama sila sa pagpili ng mamahalin na idolo..

“Gusto ko lang mabasa ng mga fans ng Kagrupo ko na to na Walang masamang tinapay sa tao na to, mapagmahal, maunawain  at napakagalang na tao!

“Salamat sa pakikiramay nung nawala nanay ko, wag kang mag-alala. Di kami aalis sa tabi ng pamilya mo!”