• Home
  • Fresh Scoops
  • Ina ni Hashtag Franco, nagpasalamat sa lahat ng nagmamahal sa namayapang anak
Ina ni Hashtag Franco, nagpasalamat sa lahat ng nagmamahal sa namayapang anak
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

11/14/2017 1:02 PM
Ina ni Hashtag Franco, nagpasalamat sa lahat ng nagmamahal sa namayapang anak
Photo credit: @hashtag_franco IG (L)

 

Labis na kalungkutan ngayon ang nararamdaman ng pamilya ng Hashtags member na si Franco Miguel Hernandez Lumanlan.

 

1x1

A post shared by Franco Miguel Hernandez (@hashtag_franco) on

Pumanaw si Hashtag Franco sa edad na 26 years old noong Sabado dahil sa aksidenteng pagkalunod sa isang beach sa Davao Occidental.

Read: Hashtag Franco Hernandez passes away

Ilang araw matapos ang aksidente, nadala na  mula sa Davao ang mga labi ng binata sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.

Sa naging panayam na ito ng Push at ng ABS-CBN News sa ina ni Franco na si Marissa Hernandez Lumanlan, nagpasalamat ito sa mainit na pagmamahal na kanilang natatanggap mula sa mga kaibigan at mga tagahanga ng anak.

"Sa lahat po sa inyo, maraming salamat sa mga messages niyo although unfortunately, we are not able to read all of them but we are thankful for everything," pahayag nito.

Pinasalamatan din ni Marissa ang managing group ni Franco at ang ABS-CBN para sa mga naitulong nito sa kanilang anak.

Sa darating na Biyernes, Nobyembre 17, nakatakda ang cremation sa mga labi ni Hashtag Franco sa Arlington Memorial Chapel.