• Home
  • Fresh Scoops
  • Dennis Padilla, naniniwala na boyfriend na ni Julia Barretto si Joshua Garcia
Dennis Padilla, naniniwala na boyfriend na ni Julia Barretto si Joshua Garcia
Mukhang boto si Dennis Padilla kay Joshua Garcia para sa anak na si Julia Barretto.
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

10/8/2017 9:52 AM
Dennis Padilla, naniniwala na boyfriend na ni Julia Barretto si Joshua Garcia

 

Naikuwento ni Dennis Padilla, ama ni Julia Barretto, sa presscon ng directorial debut niyang The Barker starring Empoy Marquez and Shy Carlos kung paano sila nag-meet ni Joshua Garcia na ka-love team at rumored boyfriend ni Julia.

“Nung Father’s Day kasi, sabi ni Julia, magdi-dinner daw kami. Tapos, nung pagdating niya, nakita ko nga, may kasama siya, yun nga, si Joshua, and without explaining, ibig sabihin, gusto niyang ipakilala sa akin,” kuwento ni Dennis.

Kahit ayaw pang kumpirmahin ni Julia kung nanliligaw nga sa kanya si Joshua ay inamin ni Dennis na nag-background check na siya sa binata.

“Nung tinanong ko kay Joshua, sabi ko, ‘Okay ka, bago pa kita makilala, bini-I (BI or background investigation) na kita.’ Yes, inalam ko ang pamilya niya, mabait na bata and I’m sure na magiging mabait siya na maging partner ni Julia.

“Sabi ko lang kay Joshua, ‘Ang mahalaga lang naman, mamahalin mo ‘yung anak ko, wag mo lang sasaktan, wag mo lang lolokohin. Ako naman, komedyante naman ako, pero pagka sinaktan mo ‘yan, niloko mo ‘yan, magiging action star ako,” pahayag pa ni Dennis.

Ramdam din daw ni Dennis ang pagiging thoughtful ni Joshua.

“Pinadalhan niya ako ng alak. Tinatanong niya kung nasaan ako, sabi ko, nasa San Juan, kasi nasa dubbing ako noon. Hindi daw niya ako mapupuntahan pero may ipapadala daw siya. Nagpapa-good shot,” natatawa niyang sabi.

Patuloy pa ng komedyante, “Mukhang okay silang dalawa. Saka, ang importante, mahal niya si Julia at si Julia naman, kung mahal din siya, okay naman, dahil 20 years old na rin naman si Julia, and Julia naman is very intelligent. She knows her limitations in life.”

Sa palagay ba niya ay may relasyon na ang dalawa?

“Palagay ko, syota na ni Julia ‘yun, eh. Sa mga galaw, ha? Eh kasi, may mga pictures do’n sa Instagram, minsan, magkahawak-kamay, magkayakap.

“Pag hindi naman kayo mag-boyfriend, hindi ka naman papayag na magkahawak kayo ng kamay, all the way, nagyayakap, nagbubulungan, di ba?

“So, siguro, mag-boyfriend na ‘yun, hindi lang umaamin,” diin pa niya.

Hindi rin daw niya pipiliting umamin ang dalawa dahil nirerespeto niya ang desisyon ng anak atni Joshua.

“Pero bagay naman kayo, kaya pwede na kayong umamin,” natatawang hirit pa ni Dennis.