• Home
  • Fresh Scoops
  • Isabel Granada’s mom on daughter’s condition: ‘Ibibigay ko ang buhay ko mabuhay lang si Isa’
Isabel Granada’s mom on daughter’s condition: ‘Ibibigay ko ang buhay ko mabuhay lang si Isa’
Pupunta din ng Qatar si Mommy Gwapa para bantayan ang kanyang anak.
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

10/27/2017 11:51 AM
Isabel Granada’s mom on daughter’s condition: ‘Ibibigay ko ang buhay ko mabuhay lang si Isa’

 

Halos pagsakluban ng langit at lupa ang ina ni Isabel Granada na kilala sa showbiz as Mommy Gwapa nang malaman nitong comatose ang anak sa Doha, Qatar.

During That’s Entertainment days pa namin kilala si Mommy Gwapa na araw-araw ay kasa-kasama ni Isabel sa kanyang mga showbiz events. Kitang-kita namin kung gaano kamahal ni Mommy Guwapa ang anak pati na ang entertainment press na nagmamahal din sa kanilang pamilya.

Sa isang phone interview kay Mommy Guwapa ng kaibigan namin entertainment reporter na si Vinia Vivar, ramdam ang sakit na nararamdaman nito dahil sa pinagdadaanan ngayon ng anak.

 “Ibibigay ko ang buhay ko mabuhay lamang si Isa. Ipinagdadasal ko sa Diyos na kunin na niya ako kapalit ng buhay ng anak ko. Matanda na ako,” ang humihikbing sambit ng ina ni Isabel.

Kahapon (Oct. 26) ay birthday ni Mommy Guwapa at ang paggaling ng anak na si Isabel ang tangi niyang birthday wish.

“Pinakamagandang regalo na matatanggap ko ay ang paggising ng anak ko,” umiiyak niyang pahayag.

Naibahagi rin ni Mommy Guwapa na bagama’t comatose pa si Isabel pero stable naman daw ang vitals nito. Alam din daw niyang lumalaban ang kanyang anak.

 “Sabi nila kasi, kapag narinig siguro ni Isa ang boses ko, baka mas lalo siyang madaling gumising, kaya pupunta ako at kakausapin ko siya,” patuloy niyang pagtangis.

“Sana, gumising na siya... Hindi ko ito kaya. Kailangan ko ang anak ko. Kailangan siyang mabuhay, ibibigay ko ang buhay ko, mabuhay lamang siya,” humahagulgol pa nitong pahayag.

Nakatakdang pumunta si Mommy Gwapa sa Doha, Qatar kung saan naroroon si Isabel at naka-confine sa isang heart center matapos mag-collapse last Monday.

“Hindi pa sure kung mamayang gabi (Thursday) or bukas (today, Friday) ang ibibigay sa aking  flight ng immigration,” wika ni Mommy Gwapa.

Kasama ni Mommy Gwapa na pupunta sa Qatar ang ex-husband ni Isabel na si Jericho Aguas (a.k.a. Geryk Genasky) at ang 14-year-old son nila na si Hubert Thomas Jericho.

Nagpapasalamat naman ang ina ni Isabel sa patuloy na nagdarasal para gumaling ang kaisa-isang anak. Bumubuhos din sa social media ang pagdarasal para kay Isa na may mga hashtag na  #Let’s pray for Isa, #LabanIsa, #Prayers for Isabel Granada at #Pray for Isa.