Whatever happened to teen actor Brylle Mondejar?
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

10/13/2017 9:57 AM
Whatever happened to teen actor Brylle Mondejar?


 

Tuesday Group member ng That’s Entertainment noon ang teen actor na si Brylle Mondejar na nakagawa rin ng mga pelikula sa Regal Films. Muli natin nakita si Brylle at bahagi siya ng stageplay na Solo Para Adultos na ipapalabas sa October 20 sa Music Museum.

Ikinuwento ni Brylle ang mga ganap sa buhay niya matapos ang That’s.

“After That’s Entertainment bumalik ako sa band. Tapos yung band namin nag-a-abroad nakarating sa Brunei, sa mga US Military Base, sa Japan at Guam ganun vocalist ako,” sabi ni Brylle.

Dito rin na-discover ni Brylle ang mundo ng teatro na marami siyang natutunan.

“Nung mapasok ako sa theater nakita ko ang difference, iba ang discipline. Happy ako sa TV but then sabi ko andami ko matututunan sa theater kaya nagtuloy-tuloy,” sabi pa ng aktor.

Di nawawala kay Brylle ang plano na bumalik ang sigla ng career sa showbiz pero kailangan niya ng manager.

“Why not? Pero kailangan ko ng manager, siyempre kailangan natin yan. Nag-guest ako once in a while. Nakakapag guest ako pero kung gusto mo talaga na maayos ang comeback mo dapat may plano,” kuwento ni Brylle.

Kahit na matagal ng wala ang That’s, buo pa rin ang kanilang grupo noon na malapit ng magkakaibigan ngayon.

“In touch pa rin kami, sina Jeffrey Santos, sina Billy Crawford. Kasi ang Tuesday Group naman, yung boys ng grupo madalas nagkakausap salamat sa social media,” sabi pa ng actor.

May asawa na si Brylle ngayon at may dalawang mga anak.