Remembering Veteran Director Emmanuel 'Maning' Borlaza
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

10/12/2017 2:02 PM
Remembering Veteran Director Emmanuel 'Maning' Borlaza


Photo credit: Film Academy of the Philippines

 

Pumanaw na ang beteranong direktor na si Emmanuel Borlaza o mas nakilala ng kanyang mga kaibigan bilang si Direk Maning sa edad na 82.

Nakilala bilang isa sa mga mahuhusay na direktor ng ilan sa award winning na pelikula ni Vilma Santos gaya ng Bakit Kailangan Kita, Ibibigay Mo Sa Akin ang Bukas at Gusto Ko Siya Mahal Kita at ilan sa mga Darna na pinagbidahan ng Star For All Seasons gaya ng Darna And The Giants at Lipad Darna Lipad.

Nakilala din si Direk Maning sa pag Direk ng mga tatak na pelikula ni Megastar Sharon Cuneta gaya ng Bituing Walang Ningning, Bukas Luluhod Ang Mga Tala at ang Dapat Ba Kitang Mahalin.

Sa kanyang pag lie-low sa movie directing naging aktibo din Direk Maning sa pag tulong sa movie industry bilang Vice Chairperson ng Movie Television Review and Clarification Board (MTRCB) at pagiging isa sa mga board member ng katatapos lang na Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP.

Matatandaan na isa din si Direk Maning sa mga pumuri para kay Liza Soberano ng ipakilala ito bilang bagong gaganap sa Iconic role na Darna.

Read: EXCLUSIVE: Maning Borlaza shares his thoughts on Liza Soberano as the next Darna