• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach handa nang sumabak sa intense na production number sa ASAP
Pia Wurtzbach handa nang sumabak sa intense na production number sa ASAP
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

10/11/2017 9:41 AM
Pia Wurtzbach handa nang sumabak sa intense na production number sa ASAP

 

Sumalang na sa pictorial ang mga bida ng isa sa mga pelikulang kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival na Gandarrappido The Revengers Squad. Pagbibidahan ito nila Vice Ganda, Daniel Padilla at ng nagbabalik kapamilya na si Pia Wurtzbach.

Sa second day ng pictorial, present si Pia na game na game sa kuwentuhan sa kanyang naging experience sa mga maaksyong stunts.

"Medyo may kaunting adjustment kasi iba pa rin yung dalawang string lang (harness) ang yung nakasabit ka tapos dalawang string lang naka-attach sa iyo," kuwento pa ni Pia.

Bukod sa maaksyong experience sa pelikula, looking forward din ngayon ang beauty queen-actress sa nalalapit na Miss Universe 2017 kung saan kinompirma mismo ni Pia na present siya sa coronation night.

"Pupunta ako sa Miss Universe sa Vegas. Inaayos pa lang namin kung ano ang magiging role ko doon kasi sandali lang ako makakapunta, mga few days before pageant night lang. Kailangan ko na agad bumalik dito dahil marami pang promo na gagawin para sa movie. Inaayos na namin yung schedule. For sure pupunta naman ako," sabi pa ni Queen P.

Dahil isa si Pia sa mga ambassador ng Miss Universe Organization, hindi muna ini-reveal ni Pia ang kanyang posibleng role sa Miss U kabilang na ang option ng hosting.

"Kung ganun, dapat ngayon pa lang nandoon na ako so I don’t think co-host ako. Si Steve Harvey na talaga yung host diyan. Siya na iyan," ani pa nito.

Samantala, opisyal na din na pumirma si Pia ng kontrata sa kapamilya network noong October 9. Dahil dito, ilan na din sa mga proyekto ang posibleng gawin ni Pia kabilang na ang isa pang pelikula pagkatapos ng Gandarrappido The Revengers Squad.

Pero sa ngayon mapapanuod din muna si Pia sa Sunday noontime show na ASAP at sa It's Showtime. Kuwento pa ng ng beauty queen game din umano siya sa kung sakaling bigyan siya ng production number.

"I will be a co-host here for sure, and if they want me to do production numbers I'd be happy to do it," pahayag pa ni Pia.

Sa ngayon puspusan padin ang taping ni Pia at iba pang cast ng Gandarrappido The Revengers Squad na mapapanuod sa mapapanuod sa mga sinehan sa darating na kapaskuhan.