• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Neil Arce on Angel Locsin: ‘I’m looking forward to spending my life with her’
EXCLUSIVE: Neil Arce on Angel Locsin: ‘I’m looking forward to spending my life with her’
Neil Arce says he’s ‘committed’ to Angel Locsin.
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

10/11/2017 9:36 AM
EXCLUSIVE: Neil Arce on Angel Locsin: ‘I’m looking forward to spending my life with her’

 

Nakiusap si Neil Arce na saka na lang namin ilabas ang aming ambush interbyu sa kanya after the presscon of the movie Last Night.

Ayon sa producer ng N2 Productions, ayaw niya na mas mapag-usapan ang tungkol sa kanila ni Angel Locsin. Gusto muna kasi ng binata na mag-focus sa promo ng pelikula nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual.

“Pelikula muna ako, kasi baka mamaya yon yung headline niyo, eh. Next week puwede n’yo na isulat, promise ha, kasi yung promo,” natatawa niyang pakiusap sa PUSH.

Siyempre, nirespeto naman namin ang gustong mangyari ni Neil. Sabi namin sa kanya, hindi agad namin ilalabas ang short interview na ito.

Sa past interviews ni Angel ay inamin ng aktres na “parang sila na, pero parang hindi pa rin” ni Neil. Pero sa palitan ng pahayag ng dalawa ay halata namang mahal nila ang isa’t isa.

Ano ba talaga ang status ng relasyon nila ngayon ng aktres?

“Committed ako sa kanya,” pag-amin niya.

“Ako kasi, gusto ko ng grand gesture. She deserves that. I have pure intentions. I’m looking forward to spending my life with her,” dagdag pa niya.

Natanong na ba niya si Angel na “would you be my girlfriend?”

“Gusto ko kasi talaga grand gesture siya. Or gusto ko, maganda yung moment. Ganun yung gusto ko, hindi yung parang pang-promo lang o pang-interview lang,” katwiran pa niya.

Eh, kailan niya balak tanungin si Angel kung pupuwede na nga ba itong maging kasintahan niya?

“Kung malalaman namin yon, sa amin na lang yon,” nakangiti niyang pahayag sa PUSH.