• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos remains cool in the face of Luis Manzano and Angel Locsin’s relationship problems
Vilma Santos remains cool in the face of Luis Manzano and Angel Locsin’s relationship problems
Vilma Santos gives relationship advice to Luis Manzano and Angel Locsin.
BY CRISTINA MALONZO
2/2/2016 9:30 AM
Vilma Santos remains cool in the face of Luis Manzano and Angel Locsin’s relationship problems
020216-vilma_main.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa Bandila, nanatiling positive at cool si Vilma Santos sa harap ng napapabalitang problema sa relasyon ng kanyang anak na si Luis Manzano at girlfriend na si Angel Locsin. Ani Ate Vi, “dinadaanan lang ang mga ganyan sa relasyon. Hindi na naman sila mga bata so let’s give them space, natural lang yan nangyayari naman sa ating lahat yan.”

Payo pa niya sa dalawa, “Lahat ng problema dumadaan, bayaan niyong dumaan wag niyo lang istambayan.”

Nang tanungin naman sa hiwalay na interview kung umaasa siyang maayos pa ang dalawa, all smiles si Ate Vi nang sabihing, “not for me to say. Bayaan mo, I mean they’re both mature. Ano man yan, nasa kanilang dalawa yun, so nandito lang ako bilang nanay to guide. Tomorrow is another day.”