• Home
  • Fresh Scoops
  • HORRORSERYE: McCoy De Leon, Elisse Joson, Kira Balinger, Paul Salas reveal scary dreams
HORRORSERYE: McCoy De Leon, Elisse Joson, Kira Balinger, Paul Salas reveal scary dreams
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

10/29/2016 9:31 AM
HORRORSERYE: McCoy De Leon, Elisse Joson, Kira Balinger, Paul Salas reveal scary dreams

102916-Horrorserye_PUSH.jpgDahil papalapit na ang undas, horror ang naging tema ng ating interview sa mga sikat na Kapamilya teen stars na sina McCoy De Leon, Elisse Joson, Paul Salas at Kira Balinger na nag-share ng mga nakakatakot nilang panaginip.

Insiduous horror movie series ang paboritong pinapanood ni Paul Salas kung gusto nya ng horror movies pero di niya daw makakalimutan ang isang experience matapos niya manood ng pelikulang ito.

"Nakatulog po ako agad noon habang nanonood ng movie tapos sa panaginip ko may someone na humahabol sa akin. Mabilis ang takbo ko noon pero ambagal pa rin at inabutan niya ako. Noong inabutan na niya ako, nagising ako noon sumisigaw daw po ako," kuwento ni Paul.

Si Kira Balinger naman, madalas daw sa kanyang panaginip nagpapakita ang isang tao na walang mukha.

"Natatakot po ako dahil ilang beses ako nanaginip ng ganun. Sa foot ng bed ko makikita ko siya tapos hihilahin niya ang paa ko. Malamig ang mga kamay niya," sabi ni Kira.

Ang pagkahilig naman ni Elisse sa mga pelikulang Child’s Play ang naging bunga ng mga nakakatakot nyang panaginip.

"Gusto ko po kasi talaga si Chuckie Doll na sunod-sunod namin pinapanood lalo na kapag Halloween na. May times na napanaginipan ko na hinahabol nya ako malaki daw siya at di tumitigil sa paghahanap sa akin," kuwento ni Elisse.

Hindi naniniwala sa multo si McCoy pero naibahagi niya na may mga panaginip daw siya na hindi niya maipaliwanag.

"Napapanahinipan ko po na awake ako at nakahiga pero di ko maigalaw ang katawan ko tapos paggising ko nagdadasal lang ako ng Our Father para mawala ang takot ko," pagtatapos ni McCoy.