• Home
  • Fresh Scoops
  • Danica Sotto-Pingris has some advice for future stepmom Pauleen Luna
Danica Sotto-Pingris has some advice for future stepmom Pauleen Luna
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

4/22/2015 11:43 PM
Danica Sotto-Pingris has some advice for future stepmom Pauleen Luna


042215-danica_main.jpgMasaya si Danica Sotto-Pingris sa takbo ngayon ng relasyon ng daddy niyang si Vic Sotto sa aktres-TV host na si Pauleen Luna na kasama rin nito sa programang Eat Bulaga. Maganda rin daw ang relasyon niya kay Pauleen at sa daddy niya at rerespetuhin niya kung ano ang magiging desisyon ng dalawa.

“I’m just praying for them, ’yung mga desisyon na ginagawa nila. I have a good relationship naman with my dad and Pauleen and I respect them kung ano ’yung magiging desisyon nila in the future,” simulang pahayag ni Danica nang makausap naming sa Happy Wife, Happy Life presscon ng TV5.

“Kasi, ano, eh, parang feeling ko, parang nagawa na rin naman ni daddy ’yung responsibilidad niya sa lahat ng mga anak niya, so I feel na deserve rin naman niya na maging masaya,” patuloy ni Danica.

Ayon pa kay Danica, wala siya talgagang puwedeng ibigay ng advice sa magiging future stepmom niya if ever na magkatuluyan sila ni Vic.

“Ayoko kasing magdunung-dunungan kasi parang hindi rin naman ako expert sa ganyan. Parang for me lang, I’ve been married for eight years, and minsan, hindi ko rin alam kung paano kami umabot ng eight years, but I think the real secret talaga is if kayong dalawa, mayroon kayong fear kay God.

“Kasi, kunyari, hindi rin naman niya mababantayan si daddy, hindi rin naman siya mababantayan ni daddy. Same thing with Mark (Pingris, asawa niya), hindi ko rin naman siya mababantayan parati sa mga lumalapit diyan. Tapos, ako rin naman, hindi rin naman niya ako mababantayan. Pero if ang bawat tao, may takot kay God, then, ’di ba, hindi ka magtitino pag nahuhuli ka lang?

“So, ’yun ang inaano ko, parang sana maging ganu’n kami lahat. Kasi ayoko namang mag-advice porke’t eight years married na ako. Feeling ko, ang dami ko pang pagdadaanan. And I don’t want to say na alam ko lahat kasi ang dami ko pang madi-discover.

“Siguro, ’yon ’yung mabibigay kong advice para sa kanya, para kay Pauleen, huwag niyang tanggalin ang faith niya kay God, kasi feeling ko, ’yon ’yung mag-i-stop sa kanila para magloko, or kung parang magsasawa sila sa isa’t isa.
 
“Kasi ’yun lang naman ang fear ko talaga. Siyempre, gusto ko, kung magkakatuluyan sila, sana forever na. Kasi ayoko rin naman na parang may masasaktan sa kanila,” pahayag pa niya.
 
Sa tingin ba niya si Pauleen na talaga ang makakasama ng habambuhay ng daddy niya?

“Ako, hindi ko… sa ngayon kasi masaya sila and ayoko kasing magsabi na siya na. Parang I feel kasi na dapat kay daddy manggaling, ‘di ba?” tila naguguluhan niyang sagot.

“Sa ngayon, happy siya, masasabi ko na happy siya talaga. I’m sure, naano tayo do’n, kasi magkaiba naman talaga yung age gap, minsan mahirap pa ring anuhin, pero dib a, malay mo naman kung talagang itinakda sila ni God, ‘di ba?” sey pa ulit ni Danica.

Mainphoto credit to danicaspingris IG